(Taong 2010)"RIA, bumaba kana jan!" Boses ng isang babae nasa mga kwarenta'y sinco (45) na ang edad. Nakasuot ito ng puting damit na pang itaas at saya na paa nalang ang nakikita, may puting buhok narin ang tumubo sa buhok pero kunti pa naman. Halatang isang ina.
"Ria, anak!? Bumaba kana diyan, luto na 'tong paborito mong chorizo! Bumaba kana!" Sigaw ulit ng babae, kasalukuyan siyang nagluluto ngayon para sa kanilang hapunan.
Natapos nalang magluto ito ngunit wala paring bumababa, walang anak na bumaba. Hindi na natiis ng ina kaya pinuntahan niya nalang ang kanyang anak, habang papa akyat siya sa kwarto ng kanyang anak ay 'dipa rin ito tumitigil sa pagtatawag.
"Ria! Anak? Hali kana, kakain na tayo mi mama!" Sabi nito habang papunta na sa ikalawang pintuan ng kwarto. Sa bahay na ito may anim na kwarto kaliwa at kanan, magkaharap lang ang mga pintuan nito. Nasa ikalawang kwarto sa kanan ang kanyang anak na kanina niya pa tinatawag, hahawakan na sana niya ang doorknob ng pintuan ng kanyang anak ngunit agad niyang narinig ang pagbukas ng pintuan sa harapan ng kwarto ng kanyang anak, mabagal lamang ang pagbukas nito at sa mabagal na pagbukas nito ay ume-echo ito sa loob.
Nilingon muna ng babae ang pintuan ng kwarto ng kanyang anak, bago lumapit doon sa nakabukas na pintuan sa kanyang harapan, maliit lang ang pagbukas nito yung parang hanggang silip lang sa loob.
"Ria? Anak? Nandyan kaba?" Sabi ng babae na mabilis ang kilos ng kanyang mga mata. Hinay-hinay niyang binuksan ang pintuan nito at ulo muna ang unang ipinasok niya.
"Anak? Kung nandyan kaman lumabas kana riyan, magiginaw na yung pagkain natin." Pumasok na siya at binuksan ng malaki ang pintuan, hawak niya parin ang doorknob habang pinagmasdan niya ang isang magulong kwarto. Isang malaking kwarto na may malaking katre (bed), halatang maraming alikabok na ito, sira narin ang lamp na katabi lang ng katre na nakapatong sa maliit na lamesa, sarado lahat ang glass window pati narin ang kurtinang puti na manipis lang ay marumi narin at maraming alikabok. Ang mga Dora box naman ay nakabukas ang ilan, mapapansing luma na talaga ito. Makikita sa itaas na maraming mga bahay ng spider at sa sahig naman ay maraming nagkalat na mga teddy bears na aalikabukan rin ito at madumi rin ang sahig na semento nito. Sa kaliwa naman ng pintuan ay may isang wellchair na gawa sa kahoy at may isang katamtamang liit na kabanet. Subrang gulo sa loob ng kwartong pinasok ngayon ng babae, lahat ay nagkalat-kalat at madilim.
"Ria? Ria? Halika na." Patuloy parin sa pagtawag niya sa kanyang anak. Nakaramdam siya ng takot ng napansin niyang medyo gumalaw ang wellchair, pero di niya nilingon ito, binaliwala niya lang ito.
"Anak? Wala sa oras ngayon si mama upang makipaglaro sayo, lumabas kana riyan." Nakaramdam ng takot ang ina ng bata, nagsimula ng magsitayuan ang mga balahibo niya at nakaramdam siya ng ginaw sa kanyang leeg. Bigla niyang napansin na parang gumagalaw ang kabinet, ang nasa isip niya ngayon ay nandoon sa loob ang kanyang anak.
"Hayss... Ikaw talagang bat ---. Hindi na niya natapos ang kanyang pagsasalita dahil may biglang humila na mahina sa kanyang damit, agad niya naman itong nilingon laking gulat niya nang makita ang anak ngumiti naman ang bata sa kanya, hanngang bewang niya lang ang bata, mataas ang buhok na mala uling ang kulay, mataas at makurba na mga pilik mata, makapal na kilay at ang mukha nito ay mala puso ang hugis at ang mga mata niyang may kalakihan na may kulay brown na mas lalong nagpapaganda sa kanya maputi rin ito at may maamong mukha.
"Saan kaba galing? Kanina pa kita hinahanap." Nag-aalalang tanong ng kanyang ina habang hinahawakan ang mukha nito.
Ngumiti naman ang bata at tinuro ang kwarto niya. Hinihintay niya pala ang kanyang ina na pumasok sa kwarto niya para gulatin pero nagtaka ang no'n nang hindi tumuloy pag pasok ang kanyang ina kaya, nang marining niya ang boses ng kanyang ina ay nalaman niyang nasa kabilang kwarto ito kaya lumabas siya at sinundan ang kanyang ina para gulatin.