Tulo (3)

90 7 0
                                    


TUMAKBO ako papalapit kay Gwen ang bunso naming kapatid naka uniporme pa ito naka suot ng headphone habang nakatayo sa labas ng gate ng bahay namin.

Nang makita niya ako ay tinanggal niya ang kanyang headphone at niyakap niya 'ko ng mahigpit doon ko lang napansin na umiiyak pala siya

Naririnig ko ang sigawan sa bahay at mga pagbasag ng mga gamit sa loob.

Pinakalma ko muna ang kapatid ko niyakap korin siya ng mahigpit hanggang dibdib ko lang siya. Hinimas himas ko naman and kanyang buhok dahilan na kumalma na ito.

Ako na ang kumalas sa pagyayakapan namin hinawakan ko ang balikat niya.

"A-ate, nag-nag-aaway naman sila ni mama at papa umuwi dito si papa ng lasing tyaka may kasamang dalawang babae pina-pina-pasok niya ito sa kwarto ni mama dahil siya naman daw ang may-ari ng b-bahay na.. na ito. Ta-tapos nahuli pa ni mama s-si p-papa na nagdrudruga. K-kaya doon na nagsimula ang gu-gulo." Nahihirapan man siyang magsalita dahil nagsimula na naman siyang humikbi pero sinabi niya parin sa akin.

Sobrang pula na ng kanyang mukha at mga mata. Nakakuyom pa ang kanyang mga kamay.

"N-nasaan si kuya?" Tanong ko. Nagsimula naring uminit ang mga mata ko pero pinipigilan ko lang ang pagbagsak nito, ayokong umiyak sa kanyang harapan ayokong nakikita niya 'kong umiiyak. Kailangan kong maging matatag.

"Nandoon siya ngayon sa loob, sinusubukan niyang pakalmahin si.... si papa p-pero sinuntok lang siya nito." Mas lalong dumami ang mga luha sa aking mga mata pero pilit ko parin itong pinipigilang pumatak.

Ngumiti ako sa kanya at hinimas ang kayang mahabang buhok.

"D-dito ka lang." Nakangiti kong sabi sa kanya at pumasok na sa bahay pero bago paman yun...

"A-ate... ayoko na rito, ayoko na, umalis na tayo...umalis na t-tayo, iwan n-na natin si papa d-dito, ayoko na... umalis na tayo dito. D-diko na k-kaya." Sabi niya habang umiiyak, nasasaktan ako sa tuwing umiiyak siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at palihim kong pinunasan ang mga luha kong tuluyan ng bumagsak. Umiyak lang siya ng umiyak.

"S-sige, a-alis na tayo dito pupuntahan ko muna sila mama at k-kuya, tapos a-aalis na tayo dito, okay?" Nahihirapan man pero pinilit ko paring magsalita.

Hinarap ko ulit siya at pinunasan and mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi.

"Dumaan ka sa kusina tapos pumasok ka sa kwarto natin pagkatapos kunin mo lahat ng gamit mo, dahil susunod lang ako okay?" Sabi ko sa kanya.

"A-ate ayoko, sabay nalang tayo.... Please atee." Pagmamakaawa niya sa'kin kaya tumango narin ako.

Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming pumasok papasok sa kusina buti nga at bukas ito. Malaki ang bahay ni papa at puro mga mababasag na gamit lang ang makikita mo pero minalas si mama pagdating sa kanya. Labing dalawang taon na kaming nagtitiis kay papa hanggang sa mas naging delikado siya.

Pinauna kong umakyat si Gwen sa mataas na hagdanan pinayuko ko lang siya baka makita kami dito.

Nakita ko kung paano niya sampalin si mama ng malakas agad naman itong napa-upo si mama sa sofa lalapitan na sana siya ni papa pero agad naman itong hinarangan ni kuya.

Pulang pula na ang mukha ni kuya at dumudugo narin ang labi niya sira nadin ang mga butones ng kanyang polo, halatang galing pa sa school.

Umiiyak narin si mama habang nakahawak sa kanyang pisngi. Ilang beses ko na siyang makitang umiyak pero diparin ako sanay, umiiyak din ako sa tuwing nakikita kong umiiyak siya.

VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon