NAGISING ako dahil sa ingay na tawanan na naririnig ko hindi pa mulat ang mga mata ko pero gising na gising na ang tenga ko."Luh! Luh! Luh! Kung makatawa wagas! Eh sino naman yung nagmamadaling tumakbo patungong hagdan para makuha lang ang towel. Tapos boom! Nadulas sa hagdan, nahulog na nakahubad! What the heck, Joshua!? HAHAHA... ayos lang sana yun kaso nakita ka namin eh, grabeh buti nga agad akong naka-iwas ng tingin! GOSH!." Rinig kong natatawang sabi ni Rose nagsitawanan din ang ibang nasa paligid ko. Lahat ay pamilyar sa akin.
Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa narinig tatlong taon na ang nakakalipas non pero diparin namin makalimutan ang pangyayaring iyon. Eh kasi naman itong si Joshua, sa tuwing naliligo nakakalimutan niyang magdala ng towel sa banyo kaya ayown madalas na niya yung ginagawa. Lalabas siya ng nakahubad sa banyo tyaka tatakbo ng mabilis patungong itaas para kunin ang towel pero hindi naming aakalaing kami na mismo ang nakakita sa nangyari. Ayon nakarinig kami ng malakas na parang nahuhulog kaya dali-dali kaming pumunta sa may hagdanan at.... natunghayan naming nakabukaka si Joshua habang di maipinta ang mukha, halatang masakit ang balakang at pwetan niya. Napasigaw naman si Rose non kaya agad niya kaming nilingon habang si Willson naman ay tawa lang ng tawa at ako ay gulat lang nakatingin sa kanyang hubad na katawan, yung abs niya at yung private niya ay nakita ko rin. Ewan ko ba't diko magawang ialis ang paningin ko non sa kanya. Bwesit! Gusto kong tumawa ngayon kaso parang bumubuka ang sugat ko na parang tinahi ata tyaka ang sakiiit lalo na pag huminga ng malalim.
"What the!--- Dyosko Rose, ang tagal na non dimo parin nalimutan!? Argggh! Kainis!" Sabi naman ni Joshua na halata sa boses na na iinip na.
Gosh! Namiss ko ang boses niya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil parang malapit lang siya sa akin.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata malabo ito pero nakikita ko ang mga taong nag-uusap at nagtatawanan parin. Ipinikit ko ulit ng mariin at imulat ulit hanggang sa maka-aninag na ako. Huminga muna ako ng malalim at hinay-hinay lumingon sa giliran ko mas lalong bumilis ang takbo ng puso ko nang makita ko ang taong ito.
Ang mukha nito ay hindi maipinta ang mukha parang sasabog na sa inis pero napangiti ako kasi napakagwapo niya parin. Nakakunot ang kilay habang may tinitigang mariin, malamang si Rose na yun.
I miss him so much, alam kong magkaibigan lang kami pero iba yung nararamdaman ko para sa kanya hindi lang isang kaibigan kundi yung may paghanga na at parang gustong-gusto ko na may relasyon kami na hindi lang hanggang magkaibigan kundi mas malalim pa nito. Matagal na talaga akong may gusto sa kanya, eight years ko siyang crush. Dyosko! Hindi ko nga aakalain na aabot ng ganon katagal pero hindi ko aakalaing may gusto din siya sa akin at nakikita ko yun noon.
Kaya umiwas-iwas ako sa kaya kasi palagi kong naiisip yung mga rules na ginawa namin. Kaya nainis ako kasi bakit gumawa pa kami ng mga rules-rules na yun! Tapos kami parin naman ang sisira at sisira non.
Sa eight years na paghanga ko sa kanya ay palihim lang kapag may lumalapit na lalaki sa akin ay agad akong tatakbo palayo nito kasi parang nagche-cheat ako sa kanya kahit wala namang kami. Hanggang sa patagal ng patagal ay lumalalim na talaga ang pagkahanga ko sa kanya, nahuli ko rin siyang matalim ang tingin sa akin kapag may lalaking lumalapit sa akin lalo na't si Willson ang kausap ko.
Iniirapan niya ako at hindi kinikibo kapag may lalaking lumalapit sa akin. Hindi naman sa pag-a-assume pero hindi ko mapigilang magsalita sa isip ko na nagseselos siya, halata sa mukha niya. Yan yung palaging pumapasok sa utak ko sa tuwing ganon ang tingin niya sa akin at sa lalaking kausap ko.
At hanggang sa mag college kami ngayon pa kami nagka-aminan. Kaya sobrang saya ko na may halong lungkot kasi nga bawal sa amin ang sumira sa rules na yun pero nang malaman ko na si Rose at Willson ay mag-jowa. Parang nakaramdam ako ng saya, sobrang saya-saya.