Dise-syete (17)

38 3 0
                                    


NAPALUHOD ako sa nakita ko nang mabuksan na ito ni Joshua ang pintuan. Napatakip ako sa bibig ko at humagulgol. Parang sinaksak ng milyong-milyong mga kutsilyo ang puso ko. Hindi!

Simula pagkabata si kuya lang palagi ang kasama at kalaro ko sa bahay, nong hindi ko pa nakilala sila Rose. Siya palagi ang nagtatanggol sa akin kapag pinapagalitan ako ni papa at mama, siya lang ang nakakatahan sa akin kapag umiiyak ako siya lang ang nakakapagpasaya kapag nalulungkot ako. Para sa akin siya ang hero ng buhay ko palagi niya akong nililigtas kapag nasa kapahamakan ako. Nang dahil sa kanya marami akong natutunan, ang makipagkaibigan. Pero bakit! Bakit nangyari to sa kanya!

Kahit man na makulit at nakakainis siya palagi eh mahal na mahal ko naman siya kasi kuya ko siya, siya ang unang kaibigan ko sa buhay. Kahit minsan pinapakialaman niya ang ginagawa ko, oo nagagalit ako pero sa kaloob-looban ko nagpapasalamat ako na inaalagaan niya ako.

Naiinis ako sa sarili ko! Sobra akong naiinis! Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya, hindi ko man lang siya naka-usap bago siya mamatay! Gustong-gusto kong sasaksakin ang sarili ko! Tanga! Tanga ako! Walang akong silbing kapatid! Naiinis ako! Naiinis ako kasi wala man lang akong nagawa para sa kanya! Hindi ko man lang siya dinalaw sa kwarto niya ng madalas, napakatanga ko!

"K-kuya..." Lumalakas na ang pag-iyak ko at wala akong pakialam kung nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko. Wala akong pakialam kung nakita na nila akong umiiyak ngayon sa kanilang harapan. Ito ang kauna-unahang umiyak ako sa kanilang harapan. Sana Ilusyon lang ito! ILUSYON LANG ITO!

"H-hindi! I-ilusyon lang i-ito! K-kuya!!" Nagsisigaw na ako gumapang ako papunta sa kanyang puting kama na nababasa na ng sariling dugo niya.

Ang puting bedsheet at puting kumot niya ay nahahaloan na ng kulay pula dahil sa dugo niya. Nakakumot parin siya at gusot-gusot narin ang puting kumot niya, mulat na mulat pa ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin at namumutla na din ang kanyang buong mukha at labi.

Nanginginig kong hinawakan ang kayang kamay at idinikit sa pisngi ko. Malamig na ito at maputla narin, hindi na siya gumagalaw. Napapikit ako at umiyak lang ng umiyak, hinaplos haplos ko ang pisngi ko gamit ang kamay ni kuya.

"K-kuya.... g-gumising k-kana! K-kuya... kuyaaa... p-please. Sorry s-sorry kung ngayon lang a-ako... k-kuya please... please g-gumising kana..." Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos ito habang paulit-ulit akong nagmamakaawa na gumising na siya kahit alam kong hindi na... hindi na siya gigising pa.

Kung pwede lang na maki-usap sa diablo na buhayin ang kuya ko ay gagawin ko iyon! Argggh! Gusto kong sasaksakin ang sarili ko dahil sa galit, poot, at inis!

"K-kuyaa... n-nandito na a-ako! Gumising kana please!! KUYA!" Niyuyogyog ko na siya pero wala parin, huli na ang lahat. Wala na nga siya! Hindi ko kaya! Di ko kayang tanggapin!

Naramdaman kong may malamig na kamay ang humawak sa kamay ko, nakilala ko naman ito at nilingon ko siya. Agad akong tumayo at hinarap siya, nanginginig ang mga kamay niya at hindi siya makatingin sa akin.

"H-hindi a-ako." Nanginginig niyang sabi at nagsimula na siyang umiyak.

Napatingin naman ako sa kanang kamay niya na may hawak na kutsilyo na naliligo ng dugo pati ang kamay niya ay nababalutan ng dugo. Malamang ito ang ginamit niya sa pagsaksak kay kuya. Napalingon ako kay kuya marami itong saksak sa tiyan, napapikit ako dahil nagsimula na naman akong humikbi.

"H-hindi ako a-anak, h-hindi a-ako. H-hindi! HINDI A-AKO!!" Napakunot naman akong napalingon kay mama na parang nababaliw na sinasabunotan na niya ang sarili niya at pabalik-balik itong naglakad sa harapan ko. Nakayuko lang ito at parang may sinasabi pero hindi ko naririnig.

VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon