NAGISING ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha ipinikit ko ulit ang aking mga mata dahil wala akong nakikita kundi puti lang.Teka lang! Nasa langit naba ako? P-patay naba ako? Pero pano? Anong nangyari sa akin? Ba't diko maalala? Dyosko po panginoon.
Muli kong minulat ang aking mga mata unti-unti itong luminaw hanggang sa maaninag ko ang isang kisame na may itim-itim na, halatang luma na ito.
Dyosko po akala ko patay na ako. Ano ba kasing nangyari?
Hinawakan ko ang ulo ko pero tela ang nahawakan ko, may bendang nakapulupot sa aking ulo. Bumangon ako agad.
"Awww.." napahawak nalang ako sa ulo ko na may tela ngayon. Ang sakit grabeh parang mabibiyak ata.
Luminga linga muna ako sa paligid at napagtanto kong di ko ito kwarto ibang iba sa kwarto ko.
Malaki ang kwartong ito at itong hinihigaan kong kama ay malaki rin kasya ang dalawa, malambot rin ang hinihigaan ko pati narin ang malaking kumot na kulay puti mabango rin ito.
Kulay puti rin ang mga dingding nito, may maliit na kabinet at halatang luma na ito, may isang maliit na mesa na may bulaklak na nakadesenyo at ang bintana nito na gawa sa mababasag tyaka inaalikabok narin. May isang maliit din na bookshelves inaalikabok narin ito tyaka wala itong nakalagay.
Grabeh naman ilang araw o buwan naba tong hindi nalilinisan? Tyaka kaninong kwarto ito? Bakit ako nandito?
Bumaba na ako sa katre at malamig ang tiles nito parang umakyat sa buong katawan ko. Pumunta ako sa isang salamin na nakatayo malapit sa nakasarang pintuan.
Habang papalapit ako ay unti-unti kong nakikita ang sarili ko. Lumapit pa ako at nakita ko na may benda ngang nakapulupot sa aking ulo kulay puti ito.
"Bakit may benda ako? Ano bang nangyari?" Hinahawakan ko ito, napansin kong dinarin ako naka short. Nakasuot narin ako ng pajama at nakalugay narin ang mahaba kong buhok na pa alon-alon.
Lumapit ako sa kabinet at hinay-hinay na binuksan ito. Mga damit ko to ah? Sinong umayos nito?
Lahat ng damit ko ay nandoon naka hanger, ang mga shorts ko naman ay nakatupi na. Isinara ko ulit ito at hinanap ang bag ko na naglalaman ng mga importanteng gamit ko.
Luminga linga ako at nakita kong nakalagay lang pala ito sa upuan na nasa mesa pati narin ang bag ko na pang skwela.
Agad akong kumuha ng damit sa kabinet para tanggalin ang mga alikabok sa bookshelves para masimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko.
Kinuha ko muna ang cellphone ko at napansin kong full charge.
Luh! Lowbat naman ito kagabi ah?
"Sino nag charge nito?" Nagtataka kong tanong sa sarili ko. Luminga linga muna ako sa paligid bago nagpatugtug.
(Background music-- Physical by Dua Lipa-- 2020) 🎶🎵
Nagsimula na akong magpunas ng bookshelves habang sumasayaw sayaw hindi ko aakalaing nalimutan ko ang sakit ng ulo ko.
Kinimbot kimbot ko ang bewang ko habang naka ngiting naka bite lips.
"Let's get physical!" Sabay ko sa chorus ng kanta. Tumalon talon ako habang winagayway sa ere ang damit na hawak-hawak ko. Napaubo tuloy ako at napatigil sa pag sayaw dahil sa alikabok.
🎶🎶
All night, I'll riot with you
I know you got my back and
You know I got you
So come on (come on),
Come on (come on),