Katorse (14)

57 3 0
                                    


BAKIT nila kami dinakip?

Huminga naman ng malalim si Mang Ali at tumalikod sa amin, sinantikan niya ang tatlong kandila na nakapatong sa lamesa. Bumangon din ang lalaking sinipa ng kapatid ko at lumapit din kay Mang Ali.

Anak niya ba 'to? O pamangkin? Tanong ko sa sarili ko.

Tumayo naman ako at nilapitan ang kapatid ko para tulungang makatayo. Kitang-kita ko ang pagka-irita ng mukha niya.

"Bakit ba ganyan ang mukha mo?" Bulong ko sa kanya habang nakatingin sa matandang naka-upo habang umiinom ng isang basong tubig. Tahimik lang ito pati na ang kasama nitong binata na nasa kinse anyos ata to! Bakit ba nila kami dinakip?

"Sino yang kasama niya?" Nagtataka kong tanong at ibinaling ang paningin sa binatang nakatutok lang sa mga kandilang nasa harapan niya.

"Apo yan ni Mang Ali." Madiin niyang sabi napalingon naman ako sa kanya, bakit ganon ang pagkasabi niya? May galit ba siya sa binatang yun? Baka naman nakita na ng kapatid ko? O kaya naman crush niya, mga kabataan nga naman ngayon.

Magsasalita na sana ako ngayon pero biglang nagsalita si Mang Ali.

"Kamukhang-kamukha mo nga siya." Sabi niya na ikinapagtaka ko, sino ang kausap niya?

"Umupo na kayo rito lalaki yang mga ugat niyo. Ang hirap pa namang humanap ng gamot niyan." Seryusong saad niya kaya lumapit na kami sa kanila at umupo pero bago paman yun ay tumayo muna yung binata at tumabi sa lolo niya. Ang kaharap ko ngayon ay si Mang Ali napalingon naman ako sa katabi kong kapatid nakatingin lang ito ng deritso sa kaharap niya at ang binata naman ay seryuso ding nakatingin sa kanya inirapan naman ito ng kapatid ko.

Luh! Magkakilala ba sila? Grabeh ang tensyon parang sila Rose at Joshua. Parang mga leon at tigre na maya-maya ay magpatayan na gamit ang mga tinginan.

"Alam ko ang inyong sadya rito... pati na ikaw Victoria." Napalingon naman ako kay Mang Ali na seryusong nakatingin sa akin. Matanda na ito, kulubot narin ang kanyang mukha at katawan. Malalim ang mata nito marami naring puti na buhok na tumutubo sa kanyang ulo at mapayat din siyang tao.

Bakit niya alam ang pangalan ko? Saan niya yun narinig? May nagsabi ba sa kanya baka naman sinabi na ni mama nong pumunta siya sa malaking bahay na yun.

"P-pa.... papaano niyo po nalaman ang pangalan ko, Mang Ali? T-tyaka sinong tinutukoy mong magkamukha?" Nagtataka kong tanong habang nakatingin ng deritso sa kanya, nakatingin naman ito sa akin ng walang ekspresyon ang mukha.

"Nagtataka nga din ako kung bakit alam mo ang pangalan ko, ija." Natatawang sabi nito kaya napangiwi naman ako sa sinabi niya. Aba! Pilosopo din pala ang matandang ito! Nawala naman ka agad ang pagtawa niya.

"Ang ibig kong sabihin, magkamukha nga kayo ni Victoria pero ibang Victoria ang tinutukoy ko. Victoria na palagi mong nakikita sa malaking bahay, Victoria na nasa painting na palagi mong pinagmamasdan. Hindi ko aakalaing magkaparehas kayo ng pangalan at hindi ko aakalaing magkamukha din pala kayo." Sabi niya na ikinagulat ko, hindi ko aakalaing yung nakita ko sa bakuran, ang nakita ko sa hagdanan at ang nakita ko sa painting ay kapangalan ko at kamukha ko lang din p-pero bakit kalahati lang ang mukhang ipinakita sa painting?

"Siya nga pala ito si Loyd ang apo ko." Seryusong sabi niya at tinapik ang balikat ng binata napansin ko namang nakatingin parin ito sa kapatid ko kaya napalingon naman ako sa kapatid ko na seryusong nakatingin lang sa binatang iyon na si Loyd. Kinurot ko naman siya sa tagiliran kaya napangiwi at napapikit siya sa sakit, hinawakan niya naman ang kamay ko at napalingon sa akin. Galit na galit siya kaya ngumisi lang ako sa kanya.

"Wag ka ngang ganyan, respeto naman nasa bahay nila tayo tyaka kung crush mo yang binatang yan. Aba! Mamaya na natin pag-usapan yan pagka-uwi nati sa bahay. okay?" Nakangiti kong sabi sa kanya pero mahina lang ang pagkakasabi ko nito yung kaming dalawa lang ang nakakarinig. Huminga lang siya ng malalim at tumingin na kay Mang Ali at tumingin na din sa kanya.

VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon