(Taong 2020)(Ambulance.. wang wang wang..)
ITO ang naririnig ko na papalapit sa amin, maraming tao ang nakikichismiss at nakikipagsiksikan para lang makakita at malaman kung anong nangyayari. May mga teacher, mga studyanteng athletic, at mga kaibigan ko nasa tabi ko lang sila. Halata sa kanilang mga mata ang pag-aalala. Yes! Tama ka, ako nga ito, ako 'tong nakahiga ngayon sa harapan nila.
Intramurals ang nagaganap sa amin ngayon, athletic ako four hundred meter dash runner pero diko naman gustong tumakbo ngayon kasi baka mangyari na naman yung dati na na ankle break ako pero pinilit ako ng mga kaibigan kong buang kaya pumayag nalang din ako. Pero okay lang na na ankle break ako ngayon at least ako na naman yung panalo, ang kinakatakotan ko lang ay baka malaman ni mama ang tungkol rito, patay ako mamaya.
"Yats okay kalang?" Tanong ng kaibigan kong si Rose halatang nag-aalala siya, ito yung unang namilit sa akin kanina eh na tumakbo ako. Kainis!
Rose - mapayat ito, may buhok na hanggang leeg lang, maputi ito at may makapal na kilay, ang pilik mata ay makapal na makurba din, ang mga mata nito ay intsik, may matangos na ilong at may manipis na labi. Halatang half Chinise ito.
"Sa palagay mo?" Masungit kong sagot habang inirapan siya. Halata naman sa mukha niya na nag-aalala siya, at parang pinagsisihan niya.
"I'm sorry yats, please forgive us." Sabi naman ni Hayley, nag-aalala din siya nakahawak siya sa aking kamay ngayon. Aba ine inglesan pako nito!
Hayley - hindi mapayat, hindi mataba katamtaman lang. May mahaba itong buhok na hanggang bewang mataas ang height nito, maputi rin ito kagaya ni Rose. Ang mga kilay nito ay manipis na naging makapal dahil lang sa lapis (eyebrow), ang pilikmata mata naman nito ay manipis lang at ang mga mata nito ay malaki na may kulay Spanish eye. Ang ilong naman nito ay matangos at ang labi naman nito ay shape heart na mapupula na mas lalong nagpapaganda sa kanya at may ma among mukha naman.
"Wag mokong ma ingles ingles diyan!" Inirapan ko din siya na ikinawingi ng labi niya.
"HAHAHA!! Hayley baka nalilimutan mo na ang boblax niyan sa ingles!" Natatawang sabi ni Joshua nakakainis yung tawa niya parang kontrabida sa pelikula, nakipag high five pa ito kay Willson, inirapan ko nalang siya, iwan ko bakit naging kaibigan ko tong dalawa, amputa! Bakit ba kasi ang tagal ng ambulansyang yun, pinapatagal pa talaga ng author na ito hayss hala sige continue sa pagpapakilala.
Joshua - isa itong lalaki, MALAMANG! May mukha naman I mean gwapo ganern kaso nga lang may pagkabaliw, pero kahit sinusungitan ko siya ay masaya parin ako dahil nakilala ko sila pati na siya. Nakaka-inis din ito kasi palagi akong pinapahiya sa iba na ganun boblax sa ingles, hmmm totoo naman hehe.. ito na nga ipapakilala ko na siya, mataas ito kasi nga varsity player ng school namin pilipinong pilipino ang dating may magandang pangangatawan, hindi ko sinilip ah! Tyaka yung buhok niya naman ay maganda ang pagkaka-ayos na mas lalong nagpapagwapo sa kanya may makapal na kilay, ang pilikmata naman nito ay pakurba at ang mga mata ay di kalakihan pilipinong pilipino kulay kape. Ang ilong naman ay matangos parang Spanish, ang labi naman ay manipis lang na purmadong purmado at ang mukha naman nito ay heart shape. Campus crush ang p*taa.
Willson - ito yung isa sa mga kaibigan namin na palaging nakasuot ng Harry Potter eyeglass, ang nerd tyaka may mukha naman din kagaya ni Joshua at maputi rin ito pare parehas lang sila ng height ni Joshua. Tapos ang buhok naman niya ay pang Korean ang ayos, may makapal na kilay, pilikmata na kurba at mga matang may di kalakihan. May matangos na ilong at may labing makapal konti at kapag ngumiti ay may dalawang dimple na mas lalong nagpapagwapo sa kanya actually cute din siya. Tyaka half Italian din pala siya.