"SURE kana ba diyan?" Saad ni Rose na ikinalingon ko at tumango lang ako sa kanya.Naglalakad na kami pauwi sa bahay dahil galing kami sa kabilang bayan bumili kami ng isang container na gasolina at dala-dala ito ngayon ni Joshua. Dalawang araw na ang lumipas pero diko parin makalimutan ang nangyari sa aming dalawa sa kusina ng bahay namin. Sa tuwing nagtatama ang paningin naming dalawa ay ako agad ang umiiwas, pero diko parin mapigilang pagmasdan siya minsan, gayun din siya sa tuwing magkakasama kaming apat. Hindi ko parin inaamin ang nararamdaman ko sa kanya pero baka naman nahahalata niya yun dahil sa galaw ko pa lang.
"Kailangan ko parin itong gawin, kahit man na imposibleng matatalo at mapapatay ko yung diablong yun." Mariin kung sabi at tinanggal ang talukbong sa ulo ko dahil sa init ng naramdaman ko.
Suot-suot ko ang talukbong mula pag-alis kanina papuntang kabilang bayan dahil baka may makakilala sa akin at baka akalain nilang ako si Victoria na matagal na nilang pinatay. Nagkaintindihan naman kami na di muna kami papasok ng one week para sa gagawin namin, sinabihan ko na sila na ako lang ang gagawa pero mapilit talaga sila kaya aabsent nalang din sila.
"Sa kay rami-rami ng lugar dito sa Maynila, bakit dito pa talaga kayo napadpad?" Na-iinip na sabi ni Rose at deritso lang ito sa paglalakad. Mabuti nga at naka jogging pants na siya nang sa ganon ay hindi siya masugatan sa mga damong ligaw na nakakasugat.
"Naniniwala kami na kayang-kaya mo siya lakasan mo lang ang loob mo, tyaka kalimutan mo muna ang pagiging matakutin mo." Napakagat naman ako ng labi nang marinig kong nagsalita si Joshua galing sa likuran, seryuso ang ginamit nitong boses na ikina bilis ng takbo ng puso ko.
Maya-maya pa ay natanaw na namin ang malaking bahay at nagpasalamat naman si Rose dahil nakarating na din sila. Halata kasi sa mukha niya na pagod na pagod na siya at kanina pa siya nagrereklamo dahil sa init ng araw. Alas nwebe ng araw kasi kaming nagsimulang maglakad papalabas sa kagubatan at nakarating kami sa kabilang bayan ay mga alas dyez kaya naiinitan na siya lalo na't alas onse na ngayon mas lalong masakit na ang tama ng araw sa mga balat namin.
Napasulyap naman ako sa veranda ng malaking bahay sarado ang kulay green na glass door nito, sinuri ko ito. Napatigil ang mata ko at deritsong nakatitig sa loob nito pilit kong klinaro ang paningin ko, may nakatayo dito at parang nakatingin ito sa amin. Natatabunan ng mahabang buhok nito ang kalahati ng mukha niya nararamdaman kong matalim ang tingin nito sa amin, pero parang ako lang yung deritsong tinignan niya.
Napalunok ako dahil sa kabang dumaloy sa buong katawan ko nanginginig din ang mga tuhod ko at gulat akong nakatingin ng deritso sa babaeng nakilala ko sa likod ng glass door sa veranda. Natatamaan ng sikat ng araw ang kanyang mukha at dahan-dahan nitong hinawi ang buhok na nakatabon sa kalahati ng mukha niya.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang buong mukha nito. Sunog nga. Nasunog nga ang kanyang kalahating mukha. Ewan ko kung masusuka ba ako sa nakikita ko o maawa.
Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko at deritso lang nakatingin sa babaeng nakatayo, unti-unti itong naglaho na parang abo."Ria?"
"Victoria?"
Napakurap-kurap naman ako dahilan sa narinig ko na pagtawag sa pangalan ko. Napalingon ako kay Joshua na nasa tabi ko na, gulat naman akong napatingin sa kanya.
"Ayos kalang ba? Kanina kapang tulala ah?" Nagtatakang tanong niya at may bahid na pag-aalala na reaksyon sa mukha niya.
"A-ayos naman ako." Sabi ko at tumalikod na napansin kong kami nalang pala dalawa ang nasa harapan ng gate kaya dahil nauna na sila Rose at Willson. Deri-deritso lang ang lakad ko, sinulyapan ko naman ang veranda pero wala ng nakatayo doon wala ng tao sa likod ng glass door. Nakayuko lang akong naglalakad papasok ng bahay habang nakasunod naman sa akin si Joshua.