DALI-DALI akong naglakad papuntang itaas habang inaalalayan ko parin si Rose na paika-ika na ang lakad.Nang makarating na kami sa itaas ay walang pagdadalawang isip na binuksan ang pintuan ng kwarto ko pero nagulantang ako nang makita kong walang tao doon. Pero dito nanggagaling ang sigaw ng kapatid ko, dito sa sarili kong kwarto.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob, at ipinalibot ang tingin sa buong kwarto ko pero walang kahit ni isang tao. Napatingin ako sa bintana laking gulat ko nang nakabukas ito pero nakasara to kanina, kaya dali-dali akong lumapit doon at tinanaw ang ibaba pero napakunot ang noo ko nang walang taong nahulog doon.
Nakarinig ako ng malakas na pagbagsak sa likuran ko kaya nilingon ko ito.
"V-Victoria? Aray." Boses ni Rose ang narinig ko kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Anong nangyari sayo? Bakit ka bumagsak?" Nagtataka kong tanong tinulongan ko naman siyang tumayo.
"E-e kasi lalapitan sana kita para itanong kung nasaan ang cellphone mo para may flashlight naman tayo, baka mabulag na ako nito dahil sa dilim." Sabi niya kaya agad akong lumapit sa drawer ko at kinapkap ko yung cellphone ko hindi naman ko nabigo dahil nahawakan ko ito. Dali-dali kong tinap yung flashlight hindi ko na pinansin kung ilang percent nalang yun ang importante ay maka-aninag kami ng ma-ayos.
Nang tinap ko na ang flashlight ay agad akong tumalikod halos mabitawan ko na ang cellphone ko dahil nasa harapan ko ang diablo, nakangisi ito kaya mas lalo akong kinabahan.
"AHHHHHH!!!" Sigaw ko at agad akong tumalon sa kama ko at akmang lalabas na ng kwarto pero nahuli niya ang mga paa ko at ihinagis ulit, tumilapon ako sa may bintana buti nalang hindi ako na shot sa naka bukas na bintana.
Nabitawan ko ang cellphone ko ang flashlight nito ay hindi makalabas dahil ang screen ay nakaharap. Kaya nagdilim ulit ang paningin ko. Napahawak ako sa giliran ko at naramdaman kong basa ito. Shit! Dumudugo na ata!
Akmang tatayo na sana ako nang bigla siyang lumapit sa akin nakangisi parin ito. Nakakapanindig balahibo ang ngiti niya, nakakatakot siya agad niya akong hinawakan sa leeg naramdaman ko ang malamig niyang kamay tyaka yung kuko niyang mahaba ay unti-unting bumabaon sa leeg ko.
Marahas niya akong itinaas sa ere habang ako naman ay nagpapadyak-padyak. Hinawakan ko ang kamay niya at doon kumuha ng lakas para makapagsalita pa. Itinaas ko ang ulo ko pero napa-iyak ako dahil sa hapdi ng leeg ko, napa-ubo ako dahil hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa leeg ko.
Napatingin ako sa deriksyon ni Rose na nakatayo lang habang nakatingin sa akin hindi ko masyado makita ang reaksyon niya pero nakatayo lang siya habang umiiyak.
Hindi ako halos makahinga at napapatirik na din ang mga mata ko dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman.
"R-rose.... tu.... t-tumakbo k-k-kana.... T-tak.... takbo!" Pilit ko paring magsalita kahit nasasaktan na ako dahil sa higpit na pagkakahawak nito sa akin. Napatingin naman siya sa deriksyon ni Rose at nginitian niya lang ito, dali-daling kinuha ni Rose ang cellphone ko at lumabas na sa kwarto.
Nang makalabas na si Rose ay kumuha ako ng buong pwersa tapos sinipa ko siya sa may tiyan pero bago paman yun ay agad itong nawala sa harapan ko na parang naglaho. Bumagsak ako sa sahig kaya napa ungol ako sa sakit napahawak ako sa leeg ko at nahawakan ko ang malalim na pagkabaon ng kuko niya sa leeg ko at dumudugo din ito.
Tumayo ako at napahawak ako sa giliran ko na bigla nalang sumakit kaya napasigaw ako at bumagsak ulit. Sinubukan ko ulit tumayo hindi naman ako nabigo, nagsimula akong humakbang papuntang pintuan para lumabas, pa ika-ika na akong maglakad dahil ang sakit na ng giliran ko. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may naka-una sa akin agad akong nagtago sa likod ng pintuan at tinakpan ang bibig para hindi niya ito marinig ang paghinga ko.