ISANG oras na akong naka upo sa kama habang iniisip parin ang aking nakita kanina. Dumidilim nadin ang kapaligiran hudyat na gabi na pero may kaunting liwanag pa naman. Nakatitig lang ako sa puting dingding sa aking harapan hindi rin ako nakaramdam ng gutom.Hindi ko naring naisipang lumabas ng aking kwarto dahil meron naman palang iniwan na sulat si Gwen sa maliit na mesa "Ate kapag gising kana bumaba ka agad dito para makakain kana" iyon ang nakasulat sa papel na iniwan niya pero dinaman ako nakaramdam ng gutom kaya di nalang ako bumaba.
Nasaan na kaya yung babae? Nawala na kasi siya nong bumalik ako sa bintana upang silipin kung nandon pa ba siya pero nawala na pala.
Saan na kaya siya? Dito din ba siya nakatira? Baka siya ang may-ari ng bahay na ito?! Ay! Imposible din naman.
Bakit din kaya ako nakaramdam ng takot at kaba kanina? Ano ba siya? Bakit nagsitayuan ang mga balahibo ko kanina?
Napasigaw nalang ako habang napapadyak padyak.
"Dyoskoo, ano ba tong iniisip ko! Bakit pa kasi ako lumapit sa uwak na yun! Kainis!" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa bintana na naka busangot at naka kunot ang noo.
Nakarinig naman ako ng mga yapak ng paa na parang paputa sa direksyon ko. Mabilis ang paglalakad nito parang nagmamadali. Kinabahan naman ako kaya dali-dali akong dumapa sa sahig tyaka di naman ako makikita dahil nakaharang ang kama.
Tumigil ang mga yapak ng paa nito sa harapan ng pintuan ng akong kwarto. Unti-unti din naman akong inakyatan ng kaba. Gumapang ako papunta sa ilalim ng kama ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan.
Napapikit nalang ako sa kaba at tinakpan ang aking bibig dahil baka madulas pa ang aking dila, pinagpapawisan na din ako ngayon dahil sa suot kong sweater.
Naglakad lakad ito sa loob ng kwarto at parang may hinahanap. Mas lalo pa akong kinabahan. Dyosko po lord hindi ako sanay sa mga ganitong taguan baka matunton pa ako ng taong ito.
Iminulat ko aking mga mata sabay ang pagliwanag ng kwarto ko, parang switch ata ang hinahanap nito kanina.
Nakita ko naman ang paa nito parang pamilyar ito sa akin kaya hinay-hinay na akong gumapang papalabas sa pinagtataguan ko.
"Ate? Anong ginagawa mo diyan?" Napatingala naman ako sa kapatid ko na nasa harapan ko, ngumisi lang ako sa kanya. Tinulongan niya naman akong makalabas sa ilalim ng kama at pinagpagan ko ang suot ko dahil sa dumikit na mga alikabok.
"Ikaw nga ang dapat kong tanungin niyan eh. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang sinarado ang nag-iisang bintana sa kwartong 'to napansin ko ring wala na talaga ang babae don sa baba pati na ang sasakyan kanina.
"Eh kasi narinig kitang sumigaw kanina." Sabi niya at umupo sa kama. Kinuha ko naman ang bag ko para kunin ang cellphone.
"Nga pala ikaw ba nag-ayos ng mga damit ko?" Tanong ko sa kanya habang kinuha ko na ang cellphone.
"H-huh? Panong ako eh ngayon pa ako pumasok ng kwarto mo tyaka yung tulog kapa eh nasa baba naman kaming apat nila mama. Anong ako diyan?" Napatigil ako sa pagsara ng zipper ng bag ko at marahas na napalingon sa kanya.
Inakyatan na naman ako ng kaba, nagsitayuan din ang mga balahibo ko.
"S-sigurado kaba Gwen? Tyaka anong apat? Sumama ba si p-papa?" Napalunok ako sa kaba at tuluyan ng sinarado ang zipper ng bag ko.
"Yes, siguradong sigurado ako tayaka wala si papa dito noh! Hindi talaga ako papayag kapag nandito siya." Sabi naman niya sabay irap sa kawalan.
May pagka maldita din itong kapatid ko pero pagdating kay papa napapayuko at tumatahimik siya at umiiyak lang ito sa tuwing nag-aaway si mama at papa at ito ang kahinaan niya.