"S-SIGURADO ba talaga kayo sa nakita niyo?" Kinakabahan kong tanong kay Joshua at Willson."Klarong-klaro." Sabi naman ni Joshua na may ka sarcastic.
Nasa loob kami ng bahay ngayon dahil biglang umulan kanina kaya pumasok agad kami dito sa bahay. Nasa kusina naman ngayon sina mama, Gwen at Rose nagluluto sila ng pang snack namin ngayong hapon alas tres na ng hapon pero hindi parin bumabangon si kuya dahil sa sakit ng katawan raw. Pero nagdadahilan lang talaga ito dahil ayaw niyang makita ang mga mata niyang namamaga dahil kakaiyak kahapon kasi nga hiniwalayan siya ng jowa niya.
"P-pero alam niyo naman na hindi ako yun." Sabi ko at nakakunot ang noong nakatingin sa kanilang dalawa.
"Baka naman binibiro mo lang kami Ria dahil para mas lalo kaming matakot?" Sabi naman ni Joshua na ngumisi pa talaga. Inirapan ko naman siya.
"Bakit ko naman gagawin yun? Alam niyo namang hindi ako sanay dyan, b-baka siya yung n-nakita niyo." Isinandal ko ang ulo ko sa sofa at muling inalala ang babaeng ikalawa ko ng makita. Tapos ngayon ang mga kaibigan ko na ang nakakita.
"V-Victoria? Diba wala ka namang kakambal na nawala o.... namatay?" Na-uutal na sabi ni Willson kaya agad akong napatingin sa kanya, deritso ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata. Tama nga siya wala naman akong kambal.
"W-wala naman." Sagot ko naman at nag crossarms.
"Pero imposible naman Victoria, edi sino yung nakita namin sa kagubatan? Baka naman yun ang may-ari ng bahay na ito tapos sinusubukan ka niyang takutin para umalis na kayo dito." Seryusong sabi ni Joshua at napakamot siya sa kanyang batok.
"Pero... sabi ni mama matagal ng walang nakatira dito at si Mang Ali ang nag-aalaga ng bahay nato noon tyaka hindi na siya nagpapakita ngayon. Pumunta lang siya dito nong byernes, tulog naman ako non." Paliwanag ko naman na ikina-upo ng maayos ni Joshua.
"Uhmmm... Victoria? Diba hindi sa iyo tong painting na ito?" Tanong ni Willson sabay lingon sa painting na nasa likuran nilang dalawa ni Joshua. Tumingala naman ako para tignan ang painting. Sa tuwing nakikita ko ito ay parang nawawala ako sa sarili ko yung parang may kumokontrol sakin papalapit sa painting na yan. Kaya sa tuwing napapadaan ako sa harapan ng painting na yan at binabalewala ko nalang.
"Victoria?" Napalingon naman ako kay Joshua na ngayon ay nakakunot ang noo habang tinitingnan ako. Ngayon ko lang napansin na tulala nama akong nakatitig sa painting na nasa harapan ko.
"Ayos kalang? Kanina kapa tinatanong ni Willson." Sabi niya na nakatingin parin sa akin yung tinging nagtataka.
"A-ah sorry. Ano ulit yun Will?" Tanong ko kay Willson na ngayon ay nagtatakang nakatingin din sa akin, napakurap-kurap naman ako dahil sa mga nangyari.
"D-diba hindi sayo ang painting na ito?" Napalunok naman si Willson sabay lingon ulit sa painting.
"H-hindi sa akin yan kahit kailan wala akong painting tyaka hindi ako marunong mag painting at hindi ako marunong mag painting. Nagulat nga ako nang makita ko yan ang ipinagtaka ko pa ay---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil inunahan na ako ni Willson.
"Kamukhang-kamukha mo." Sabi niya na tulala paring nakatingin sa painting na yun. Napatahimik naman kaming tatlo habang si Willson at Joshua ay nakatitig lang sa painting na kalahating mukha lang ang nakikita. Tumikhim naman ako na ikinaharap nila sa akin.
"So... ano ng gagawin natin kay Mang Ali?" Tanong ko na ikina-ayos ng upo ni Joshua.
"Edi hanapin natin si Mang Ali at pagnakita natin siya tyaka na natin tatanungin kong anong meron sa bahay nato at iba pang impormasyon tungkol sa bahay nato." Napatunganga naman ako kay Joshua dahil sa sinabi niya. Akala ko puros kabaliwan lang ang alam nito may utak din pala ang lalaking ito.