HINDI ako makapaniwala na nagawa iyon ni Mang Ali pero tama naman siya mas mabuting patayin nalang si Victoria kesa sa marami pa itong mabiktima. Hindi naman makapaniwala ang kapatid ko habang titig na titig kay Mang Ali."Alam kong bumalik na naman siya at palagi ka niyang sinusundan at pinagmamasdan ija, minsan ginagamit niya ang kakayahan niyang kumontrol ng isang tao at ilagay ito sa isang ilusyon." Walang kurap akong nakatitig kay Mag Ali habang seryuso itong nagkwekwento, nakita ko naman sa aking peripheral vision na napalingon sa akin si Gwen.
"Ang ilusyon ay palagi niyang ginagamit sa isang tao at kapag walang makakagising sa taong yun ay unti-unti siyang maging isang baliw." Patuloy ni Mang Ali. Naalala ko yung nangyari nong Linggo yung sinampal ako ni Rose ng napakalakas buti nga at nagising niya ako non kundi mababaliw na talaga ako.
"D-diba ate, sabi mo nakita mo ako kaninang hapon sa cr sa itaas pero wala naman ako don. Nasa baba lang ako non." Kinakabahang sabi niya at napalingon naman si Mang Ali sa kanya.
"Panglilinlang." Tipid na sabi ni Mang Ali at napalingon naman kaming dalawa sa kanya habang ang apo niya naman ay nakayuko parin ito. Dyoskoo hindi ba siya nakaramdam ng sakit? Mababali na ata yang ulo niya kakayuko.
"P-panglilinlang?" Napalunok naman si Gwen at napatingin sa akin, napalingon din ako sa kaya.
"So ibig sabihin? H-hindi nga ikaw yung n-nasa birthday ko a-ate? Tyaka dalawa---" hindi na natapos ng kapatid ko ang kayang sasabihin nang biglang magsalita si Mang Ali.
"Oo tama ka ija. Hindi nga siya ang babaeng nakasama mo at ng pamilya mo sa dalawang araw at hindi rin siya ang babaeng nasa kaarawan mo kundi si... Victoria." Sabi nito agad naman akong inakyatan ng kaba at takot, napalunok din ako dahil nagsimula namang magsitayuan ang mga balahibo ko. Nakaramdam ako ng malamig na ihip ng hangin.
"Mabuti nga at nalabanan mo ang kanyang kakayahan ija, mabuti nga at nagising ka ng maaga kundi..." Sabi ni Mang Ali na nakatingin sa akin ngunit napakunot ang noo ko dahil pinutol niya ang sasabihin niya.
"K-kundi?" Kinakabahan kong tanong at napalunok din ako sa kaba. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.
"Kundi mamamatay ka at maghahari ulit siya sa lugar na ito. Gagamitin niya ang katawan mo at unti-unti itong papatayin." Hindi ako makapaniwalang ganon ka demonyo ang babaeng iyon kaya pala.. kaya pala palagi siyang nagpapakita sa akin dahil kailangan niya lang ako.
"M-may iba po bang paraan para tumigil na s-siya?" Kinakabahang tanong ko.
"Meron." Tipid niyang sabi, napatingin naman ako sa kapatid kong napatingin sa akin.
*********
Alas otso na ng gabi at nandito kami ngayon sa kagubatan kasama namin si Mang Ali at si Loyd na apo niya. Ihahatid nila kami pauwi ng bahay baka kasi raw may mangyaring masama sa aming dalawang magkakapatid. Nakapulupot si Gwen ng mag mahigpit sa aking kaliwang braso nasa unahan kami habang sila Mang Ali naman ay nasa likuran namin. Tahimik lang naming tinatahak ang madilim na kagubatan pero may dala namang flashlight si Mang Ali at dala din ng kapatid ko ang cellphone kaya kahit papaano ay nakakakita parin kami.
Mga yapak namin at mga kuliglig lang ang gumagawa ng ingay sa aming paglalakad. Maya-maya pa ay natanaw na namin ang malaking bahay, nagtataka ako kung bakit madilim. Wala kayang tao sa bahay? Pero imposible naman eh hindi naman lumalabas si mama at kuya. Palagi nga lang nasa kwarto si kuya nagkukulong lang ito, si mama naman ay nasa kusina ang inaatupag palagi minsan naman ay naglilinis ito. Bakit kaya wala man lang ilaw kahit ni isa? Kapag natutulog naman kami bukas naman yung mga ilaw.
"Ate---" hindi na natapos ni Gwen ang kanyang sasabihin nang biglang magsalita si Mang Ali.
"Nagsisimula na siya." Napahinto naman ako sa paglalakad dahilan na napahinto rin ang kapatid ko. Lumingon agad ako kay Mang Ali na lumingon lingon sa paligid habang inilipot niya naman ang dala-dala niyang flashlight may suot siyang rosaryo sa kanyang leeg at hinawakan niya ito habang ang apo naman niya ay nakaharap sa likuran namin may hawak-hawak itong palakol.