Chapter 5

66 10 13
                                    


Bakit nga ba ako umasang tumigil ang panahon para lang sakaniya?

Bakit ko nga ba hiniling na sana, sana tumigil ang oras para habang buhay na akong masaya.

Halos apat na araw ko na siyang hindi nakikita pagkatapos siyang tawagan ni Rue. Sigurado ako nagout of town yung dalawang 'yon.

I can imagine them being sweet and clingy with eachother, I can imagine their smiles as they cherished the momentum.

I can imagine him being happy, not with me but with another girl.

Ngumiti ako at saka pinagpatuloy ang pagbilang ng overall expenses na nagatos namin this week. Kasya pa naman sa budget na bibigay.

"Baka naman siguro busy lang sa trabaho kaya hindi ka na hinihintay dito? And besides dalawang beses pa lang naman niya ginawa 'yon" Binasa ko ang labi at saka isinandal ang likod sa monoblock chair.

Madaming trabahador ang nagbabaklas ng tiles sa opisina ni Ma'am Elizabeth, tumutulong minsan si Ma'am Hannah habang nagsesketch.

Nagsimula kong paglaruan ang ballpen gamit ang kamay habang matiim na tumitingin sa notepad.

"Wala naman akong pakealam ma'am. Ayos lang sa'kin" Umismid siya at saka inilapit ang upuan papunta sa'kin.

"Ows? Bakit parang bad mood ka ngayon?" Sino bang hindi? Iniwan ba naman akong magisang kumakain para lang punatahan 'yung fiancée niya.

"Ayos lang ako ma'am, masama lang gising ko" Huminga ako ng malalim at saka nagscroll sa cellphone ko para mahanap ang presyo ng iba pang furniture na binili namin. Sabi ni ma'am hindi pa daw kumpketo 'yon kaya kailangan pa naming magtipid.

"Asus! Nagtatampo ka lang dahil hindi ka sinipot ng apat na araw! 'Kala mo hindi ko napapansin 'yung pasimple mong pagsilip bago umuwi sa laba-"

"Ma'am!" Naginit ang pisnge ko at saka pinasadahan ang buhok kong hanggang balikat lang ang haba.

Tumawa si Ma'am Hannah bago umayos ng upo. "Baka naman nagout of town, o kaya naman pumunta sa business trip" Bumuntong hininga ako at saka ibinaba ang ballpen. Sana nga ma'am, sana nga gano'n nalang.

Sana nga nasa business trip nalang siya, mas gusto ko pa 'yon kesa sa pagout of town niya kasama si Rue.

Hindi naman sa ayaw ko pero sabi niya kasi sa'kin magkaibigan lang sila, so ibig sabihin pwede siyang magsinungaling sa'kin diba? Na hindi 'yon totoo. Eh ayaw ko naman non.

"Baka nga" Nagkibit bakikat ako at saka nagsimula ng icalculate lahat.

"Hindi ba kayo magbabalikan? Nako! Paniguradong sisikat ka Elaine, ang ingay ng pangalan nilang magkakaibigan sa showbiz kahit na hindi naman artista" Tumango ako, umaktong hindi interesado sa kahit na anong sinasabi niya.

"Uy tignan mo!" Napaigtad ako sa biglaang pagsigaw ni si Ma'am Hannah. Ngumiwi ako at saka tinignan ang cellphone niya.

Adrian Stravinsky is seen with model Ahira Clesh on a private event. Sources say that the two are dating and are getting serious.

Napanganga ako, nakunan silang dalawa na naguusap. Ang kamay ng babae ay asa braso ni Adrian, magkaharap sila. Si Adrian ay marahang nakangiti at si Ahira ay nakatalikod kaya hindi ko nakita ang ekspresyon niya.

I pursed my lips together before looking away and busying myself with calculating.

My heart is beating so fast, it hurt. The lingering pain coated my sistem like wildfire as I tried ignoring what I've just saw.

"God, akala ko pa man din loyal 'yon sayo. Tsk, tsk, tsk" Umiling iling pa siya at saka nagscroll pa uli.

"Oh eto pa, picture nila. Mukhang ihahatid ni Adrian yung girl. Papasok ng sasakyan eh, tignan mo" Hinawi ko ang kamay niya na nakatapat sa mukha ko.

Clouded MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon