Chapter 12

50 6 18
                                    


"Hello? Rinig ba 'ko?" I placed my phone on the monoblock chair. Inutusan kasi akong maglaba ni Mama, since may pasok na ako bukas. Good thing we dont need to wear uniforms anymore, kumbaga naka sibilyan kami araw araw.

"Can we video call?" Adrian's lazy voice spoke. Magkaparehas lang ang time stamps sa Singapore at dito kaya hindi kami nahirapan.

"Huh?" Magvivideo call kami?! Eh ang haggard haggard ko ngayon! Ang gulo gulo ng buhok ko, at hindi ako nakabra!

Simpling blue loose shirt at saka white dolphin shorts ang suot ko. Ganito naman talaga usual attire ko kapag walang lakad. Alangan namang magbihis pa ako diba?

"Video call, I want to watch you" Ngumuso ako sa sinabi niya bago ako nagsimulang magbanlaw. Banlaw lang naman, iwawashing ko naman lahat 'to mamaya.

"Wag na, ganito nalang" Siguro hindi ako makakapagfocus sa labahin kapag nagvideo call kami. I would probably be conscious the whole time!

"Why not?" Narinig kong suminghap siya pagkatapos sabihin 'yon.

"Eh...pangit ako ngayon, at saka w-wala akong ano..." Pumikit ako ng mariin, kailangan ko talagang ikalma ang sarili ko! Lalo na sa mga simpleng bagay tulad nito, tumawag lang siya para na akong mahihimatay.

"Ano?" I can sense playfulness in his voice when he said that. I can even imagine him smirking while in a call with me!

Nako Elaine lagot ka na talaga!

I brushed off that though before licking my lips. Piniga ko muna ang isa kong damit pangitaas bago ako sumagot. "Bra...hindi ako nagbabra sa bahay" Uminit ang pisnge ko pagkatapos kong sabihin 'yon!

Sino ba kasing nagbabra sa bahay!? Bukod sa hindi ako makahinga, naiinitan pa ako. At saka kami kami lang naman ng pamilya ko nakatira dito.

A long period of silence ruled us, only the sounds of water splashing can be heard when I heard him groan.

"Fine, did you eat yet?" Piniga ko muna ang damit. Hindi mawala wala sa isip ko ang tono ng pananalita niya nang sabihin niya 'yon, para bang...

Nagpipigil? May ganoong tono ba? Nagpipigil na kinakabahan ganon!

"Uhh, oo. Siningang ulam. Ikaw?" I licked my lips while waiting for his response.

"Uh-huh, I ate after the board meeting" Wala sa sariling tumango ako. Ngayon wala na akong masabi, hindi naman kasi ako sanay sa ganito. 'Yung naguusap lang kami gamit ang cellphone.

Though we text before, but not as much.

"After I finish this, I'll drop you off school every day. I'll also be the one to fetch you, okay?" Kumunot ang nuo ko at saka lumunok.

"Oh come on Adrian, kaya kong magcommute. And besides hindi na ako teenager na kailangan pang ihatid sundo" He's spoiling me a bit too much, is this part of the deal?

He groaned. "This is part of the deal-"

"Acting like a sugar daddy?" I asked back full of mockery and sarcasm.

Ilang minuto siyang natigilan bago tumawa. "Fuck, alright call me whatever you want I'm still driving you to school everyday, Elaine" I rolled my eyes.

"Ayaw ko, sayang gas" At bukod doon, ayaw kong isipin ng mga kaklase ko na kapatid ko siya. Eh hindi pa man din ako masyadong makwento, sa mga kaibigan ko lang.

"I'm a businessman Elaine, I can pay for gas. It's cheap" Alam ko, sadyang ayaw ko lang talaga.

"Please?" Umawang ang labi ko. Damn! The way he pleaded for it made my heart jump into a somersault. Para akong nagayuma sa boses niya.

Clouded MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon