"Ma, kailangan po ba talagang umalis tayo ng bahay?" Asa luob kami ngayon ng taxi at papunta kami sa mansyon daw ng mga Stravinsky. Wala akong kaalam alam sa nangyayari, basta ang alam ko lang ay nagempake na kagabi si Mama ng mga damit naming tatlo.Si papa kasi ay OFW sa Saudi at hindi masyadong mataas ang sahod niya doon bilang janitor kaya naman kinailangan na din ni Mama' ng mag hanap ng trabaho.
"Elaine, konting pagiintindi nalang anak. Hmm?" Marahan niyang hinaplos ang buhok ko.
It's been a very ruff road ever since Mama got pregnant with my two year old brother, Denzel. Who's comfortably sitting on Mama's lap while munching on his thumb.
"Ma malapit na po ba?" Sumilip silip ako sa bintana. Nakita ko ang isang malaking gate sa harapan namin, halos magning ning ang mga mata ko nang makita ang isang napakalaking masyon sa harapan ko.
Sa TV ko lang nakikita ang mga ganitong klaseng lugar kaya hindi ko mapigilang mamangha sa kalakihan at kagandahan nito.
"Dito po tayo titira?" Hindi makapaniwalang tanong ko nang makababa kami. Tinulungan kami ng taxi driver sa mga bagahe habang si Mama naman ay abala sa paguusap sa guard habang hawak hawak si Denzel.
"Okay po salamat" Kinuha ni Mama ang palad ko at ako naman ay hinayaan siyang ilakad ako papunta sa napakalaking masyon.
Ngayon lang din ako nakakita ng fountain na sumasayaw. Napaka ganda! Pwede kayang magswimming diyan?
"Mama, pwedeng magswimming?" Tinuro ko ang fountain na tumatalsik sa katawan ko, I giggled because of that.
Tumawa naman si Mama at saka umiling. "Bawal anak, mapapagalitan ka ng guard" Ngumuso ko, sayang naman hindi rin pala pwedeng gagamitin. Eh ano pang gamit niyan kung ganoon?
"Helena Gutierrez po madame" Kumatok si Mama sa pintuan at nang bumukas 'yon, nakita ko ang isang babaeng medyo may katabaan at may suot na uniporme.
"Anak bless ka, mayordoma 'yan dito" Hindi na ako umalma pa at ginawa nalang ang gusto ni Mama, nagbless ako sa mayordoma na may pagkamagaspang ang kamay.
Ang kilay niya ay manipis at medyo kulubot na ang mukha dahil siguro sa katandaan.
"Tatawagin ko lang si Madame Elizabeth, Helena" Marahang ngumiti ang matanda at saka kami iniwan sa labas.
Some maids escorted us to enter their prestigious mansion. A chandelier that could only be seen in the TV is now materializing in front of me and I can't believe it!
Para akong asa isang pelikula kung saan mayaman ako.
"Helena! I am glad to see you" Narinig ko ang matinis ngunit malambing na tono ng isang babae.
The woman looked more younger than my mother with her french twisted hair, long beige pencil skirt, a white blouse and a cropped beige cardigan.
"Goodmorning po ma'am Elizabeth" The girl Elizabeth grinned before caressing the head of my baby brother completely ignoring my existence.
"How old is your baby boy?" Her eyes were glinting in so much happiness and joy to see a three year old child.
"Three na po ma'am, mag four na po this year" And her eyes finally turned to me before kneeling just to embrace me.
Natigilan ako doon, ang malambot niyang palad ay hinaplos ang buhok ko bago siya kumawala. "And this young little girl. What's your name?" Tumitig muna ako kay Mama na tumango lang.
"U-Uh Elaine R-Ruth Gutierrez p-po" Nauutal na tugon ko na ikinatawa niya. She clapped happily before licking her lips.
"Manang would you please call Adrian? I bet he's inside his room" Sigaw niya bago niya kinuha si Denzel at marahang inalo ang bata.
BINABASA MO ANG
Clouded Memories
Romance(Forgiving Her Series #1) I knew I hated him, I hated everything about him. From his looks, to the way he presents himself. I hate him. Elaine Ruth Guttierez has always grown to be the one who values validation. She hates to take risks, she sticks...