"You love him diba? So.. Why don't you tell him?" brent asked.You chuckled at what he said "sa tingin mo ba madaling sabihin yon? Hindi naman libro ang confession na pag binasa mo, tapos na, nakapag confess ka na"
"you're right" tumango tango pa ito.
You looked at him confused "kanina lang pinipilit mo ko na mag confess sa best friend mo tapos ngayon sumasang ayon ka na sa akin"
Tumango ito at tumingin sa mga bituin "Lagi ka naman tama. Iniisip ko rin minsan na sana ganon kadali mag confess"
Napangiti ka "huy, sino yan?" asar mo dito.
"no one" he sigh then looked at you. Matapos non ay pareho na kayong natahimik, tahimik sa pagtingin sa kalangitan.
"ah, may sasabihin pala ako sayo" seryosong sabi nito kaya tumango ka at hinintay ito.
Agad niyang nilabas ang cellphone nito at may tinype, sinubukan mong silipin pero nilayo niya ito sa iyo.
"babasahin ko lang" nagtaka ka naman sa sinabi nito pero di ka na nagsalita.
"gusto kita" pagbasa nito.