"how was practice?" bungad na tanong mo dito ng makarating ito sa meeting place niyo sa isang cafe.
"gusto mo bang umorder?" tanong mo nang makaupo ito sa kaharap mong upuan.
"ayoko, ubusin mo na yang pangalawa mong ice coffee nang makapag dinner na tayo" may halong pang aasar na sabi nito. Hindi mo naman kasalanan na na matagal ka nitong pinag intay kaya nakadalawa ka na.
"sinasabi mo bang matakaw ako?" tanong mo habang iniinom yung ice coffee na inorder mo. Naubos mo na yung cheesecake bago pa makarating ang boyfriend mo.
"wala akong sinabi na word na 'matakaw'" depensa nito pero inirapan mo lang at nagpatuloy sa pag ubos ng iniinom mo.
Minsan talaga mapang asar din itong boyfriend mo kaya madalas kang mainis dito pero mahal na mahal mo naman ito. Nang matapos mong ubusin ang ice coffee mo, naglabas ka ng salamin at liptint para mag ayos. Dapat ginagawa ito sa restroom pero tinamad ka at dito na lang.
"Mirror, mirror on the wall" napahinto ka sa pag sipat kung may dumi ka ba sa muka at napatingin dito. Nakasandal ito at nakacross arms na ito. Seryoso ang tingin nito pero nakikita mo na pinipigilan nitong ngumiti.
"who's the fairest of them all?" pagpapatuloy mo. You giggled as you continue putting liptint on your lips.
"You will always be the fairest of them all"