"alam mo, kanina pako naiinis sa mga sagot mo eh" sabi ni ricci atsaka nilagok ang hawak niyang alak.
You asked for his advice about your lovelife, nagkataon na sa bar pa kayo nagkita kaya dito ka na rin nagtanong.
"eh kung nasa ganoong sitwasyon ako, iyon naman talaga isasagot ko" depensa mo dito.
"alam mo, ang tanga tanga mo talaga eh, nagpapakatanga ka nalang jan pa sa pangit na yan, dami daming gwapo sa paligid mo eh, di mo makita" sabi nito at parang nagpagwapo pa sa harap mo. Kumunot naman ang noo mo sa ginawa nito kaya napabuntong hininga nito.
"ganto, pag sinabing tumalon ka? Ano isasagot mo? Oo ba isasagot mo?" tanong muli nito. Kanina pa niya ko tinatanong ng mga sitwasyon na kagaya nito.
"hindi" proud na sagot mo dito.
"good, nagkakaintindihan tayo pero ano sasabihin mo?" tanong muli nito.
"gaano kataas ang tatalunin ko?" tanong mo dito kaya napasabunot ito sa buhok nito at napasigaw. Halatang inis na. Hay.
"tanga, ewan ko sayo, wag moko ka kausapin" sabi nito atsaka tumayo na para bumalik sa mga kaibigan nito. Napakamot ka naman sa iyong ulo sa pagtataka. Ano bang sinabi mong mali?
〰️〰️〰️
Hanggang 30 drabbles lang mga chang.