Noah Webb

554 6 0
                                    

"nasan best friend mo?" narinig mong tanong ni joe.

Huminto ka para pakinggan yung pinag uusapan nila. Tiyak ay chinichismis o binaback stab ka ng bestfriend mo. Pareho silang nakaupo sa bleachers at nakatalikod sayo habang umiinom ng tubig. Ang iba naman sa mga teammates nito ay nagttraining.

"Nakipag date" kibit balikat na sabi ni noah.

May date ka sana ngayon ang kaso ay nagka emergency sa bahay nang manliligaw mo kaya dumiretso ka nalang sa best friend mong nagttraining dahil alam mong ililibre ka nito pagkatapos.

Lalapit ka na sana nang marinig mo ang tinanong ni joe kaya huminto ka ulit para pakinggan.

"wala ka bang balak sabihin yung kagaguhan nang manliligaw non?" napakunot ang noo mo dito.

"di naman maniniwala yon" rinig mong sagot ni noah.

"bakit naman?" natatawang tanong ni joe.

"tanga yon eh" mas natawa si joe nang malakas, kaya sumugod ka na papalapit sa kanila. Babatukan mo na sana nang magsalita ulit ito.

"tsaka kelan ba ko nanalo sa manliligaw niya?"

UAAP mbt imaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon