"can you please stop staring! Im taken!" inis na sabi mo dito. You were at a birthday party ng kaibigan mo. At nasa harapan mo ngayon tong kaibigan ng birthday celebrant.
Hindi mo naman aasahan na lalaruin niyo ang 7 minutes in heaven kaya eto ka ngayon nakaupo sa kama at sya naman ay nakasandal sa pader paharap at nakatitig sayo at naiilang ka don.
"tinatanong ko ba?" sabi nito habang natatawa. Medyo napahiya ka don. Bwiset.
"then why are you staring? Trip mo lang" nagcross arms ka at tinarayan ito.
"nagtataka kasi ako kung bakit ang pangit mo" pang aasar nito kaya napatigil ka, naasar ka na talaga.
"ha! Pangit? Muka mo! For all i know you're interested!" balik mo dito.
"ha! Muka mo din!" shaun mocked your voice "im not interested, pangit mo" sabi nito at tumingin na sa ibang bagay.
Maya maya lang ay bumukas na ang pinto, nauna si shaun na maglakad pero bago ito makaapak sa hagdan ay hinila mo ang braso nito. Taka ka nitong tiningnan.
"im sorry, i lied. Im not taken" nawala ang pagtataka nito at napalitan nang maliit na ngiti.
"im sorry too, i lied as well. Im interested"