Cj Cansino

919 13 0
                                    

"why are you late again Crispin?!" inis mong tanong dito.

30 minutes ka nang nag iintay dito pero ngayon lang ito dumating.

"chill ka lang, hinatid ko lang si aliana" natatawang sabi nito atsaka naupo sa kaharap mong upuan.

"aliana, aliana, puro nalang aliana, wala ka na bang ibang irarason? hindi na kapani-paniwala crispin" sabi mo dito at padabog mong inilagay ang gamit mo sa bag mo.

"nagseselos ka ba?" napatigil ka sa ginagawa mo at tiningnan ito nang masama.

"ang kapal naman nang muka mo crispin, masyadong mahalaga ang oras ko at kung di ka magpapakita sa akin sa napag usapang oras, mas mabuti pa kung itigil ko na ang pag tutor sayo" sabi mo at nagpatuloy sa pagliligpit.

"pwede ba tigilan mo kakatawag sakin ng crispin, cj ms tutor, cj" pag didiin nito sa cj pero di mo ito pinansin at tumayo na.

"ikaw kasi eh, nakipaghiwalay ka, edi sana di ako nalelate" rinig mong sabi nito na nagpahinto sayo.

UAAP mbt imaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon