Hinihintay mong matapos mag ayos nang sarili ang boyfriend mong kasalukuyan na nasa loob ng gym. Kakatapos lang kasi nitong mag training at sinabihan kang dumiretso sa gym para kumain kayo sa labas.
Nakita mo naman na may lumabas na na isa sa mga team mates nito kilala niyo naman ang isat isa kaya napahinto ito saglit para kausapin ka.
"si juan ba?" tanong nito kaya tumango ka.
"palabas na yon, kinakausap lang ni coach..." lumingon pa ito sa pinanggalingan niya "oh yan na pala eh, sige una na ko" paalam ni jaydee at tinapik ka pa sa balikat kaya kumaway ka lang dito at sinalubong na ang kaninang nakangiting juan pero ngayon ay seryoso na.
"nakakainis!" bungad nito sayo, pero imbis na mainis ay natawa ka dahil sa itsura nito.
"ano na naman bang issue mo?" natatawa mong tanong.
"Hirap mong bakuran tsk"