"kelan mo ba ko titigilan?" naiinis na sabi sayo ni tyler.
Di mo ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Alam mo na susundan ka nito kaya malakas ang loob mo.
"wala sa vocabulary ko ang sumuko kaya manahimik ka jan" sabi mo dito habang patuloy sa paglalakad.
"di ko alam kung bakit sumusunod ako sayo" narinig mong bulong nito kaya napangiti ka ng palihim.
"ty, may wishing well, tara bili wish tayo" aya mo dito. Nang makita mong di gumagalaw ito ay hinila mo ito papuntang wishing well.
"teka, kailangan ng barya" sabi mo matapos silipin ang balon.
Pinanood ka lang ni tyler habang naghahanap ng barya.
Nang makakita ka ay binigyan mo nang barya si tyler na di maalis ang tingin sayo.
Agad kang pumikit at tinapat ang barya sa balon "sana magustuhan na ko ng taong gusto ko" binuksan mo ang isang mata mo para silipin ang reaksyon ni tyler, seryoso lang itong pinapanood ang ginagawa mo.
Agad mong nilaglag yung barya at tinuon ang pansin kay tyler.
"mag wish ka na" sabi mo dito nang hindi pa ito gumagalaw.
"wish ko sana matupad ang wish mo" sabi nito at hinulog ang barya sa balon. Tumalikod na ito at nalakad palayo sayo.
Tangina ka tyler, bulong mo sa sarili atsaka hinabol ito.