Ricci Rivero

1.6K 15 0
                                    

"hoy, gusto mo daw ako" nanlaki yung mata mo sa narinig mo mula sa makulit mong kaibigan.

"g-gago ka ba? Bakit kita magugustuhan? Kobe paras ka ba bro?" inirapan mo ito at binalik ang atensyon sa pagkain.

Naramdaman mong inakbayan ka nito kaya napatigil ka sa pag nguya "alam ko naman na gusto mo ko at ginagamit mo lang si kobe" sumakit bigla ang ulo mo sa mga pinag sasabi nito.

Agad mong tinanggal ang kamay nito sa pagkaka akbay nito sayo at nagsimulang magligpit.

"hoy san ka pupunta" habol nito sayo.

"kung saan walang ricci" inis na sabi mo dito.

Napatigil ka nang may matanaw kang masyadong pamilyar sayo "shit, si kobe" dali dali kang tumalikod at nakitang nakatingin na sayo si ricci.

Di mo ito pinansin at kinuha ang salamin mo para mag ayos.

"si kobe nga ang gusto" sabi nito atsaka naglakad palayo mula sayo pero di mo na ito pinansin dahil palapit na ang boyfriend mo.

UAAP mbt imaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon