"i love you dave" sabi mo dito.
"ha?" tanong nito, napairap ka dito atsaka inis na tumingin dito.
"hatdog ka, mahal kita sabi ko" inis na sabi mo dito.
Hindi agad ito nakapag salita, mukang naghahanap ng sasabihin sayo.
"bakit?" after a long silenced, nagsalita na din siya.
"aba malay ko kung bakit bigla nalang kitang nagustuhan" muka kang matapang sa paningin nito dahil sa inaasta mo, pero alam mo sa sarili mo na kinakabahan ka sa magiging reaksyon nito o sa kung ano man ang sasabihin nito sayo.
Napakamot ito sa ulo, mukang di alam ang sasabihin. "kelan pa?" tanong nito pero ang paningin ay wala sayo.
"last year pa" sabi mo dito, hindi na ganoong kaconfident ang sagot mo dito dahil sa nakikita mong asta nito.
"last year? Nakatagal ka ng ganon?" napa iling ito. "pero bakit pinatagal mo? Diba dapat sinabi mo agad sakin?"
"tangina, akala mo ba madali mag ipon ng lakas ng loob ha?" naiinis na sabi mo dito.
"e sino ba kasing nagsabi na gustuhin mo ko ng patago?" naiinis na tanong nito pabalik.
"eh kasi pag patago kitang minahal, di ko maririnig yang rejection mo" alam mo sa simula't sapul na di ka magugustuhan nito.