"hoy pangs, bilisan mo, tara na, gutom na ko" aya mo sa kaibigan mo na nag aayos ng gamit.
"sandali, di makapaghintay" inirapan mo ito.
Ex MU mo lang naman si brent, isang taon na ang nakalipas at masaya ka na sa relasyon mo sa teammate nito na si Cj. Magkaibigan na lang kayo kaya walang problema kung umalis kayong dalawa.
"syempre baka magbago isip mo" sabi mo at nauna na sa pinto ng classroom.
"kahit kelan naman di nagbago isip ko pagdating sayo"
"anong sabi mo?" tanong mo dito dahil di mo masyadong narinig.
"dapat, talaga di ako sasama sayo eh" sabi mo dito nang makaupo kayo pareho. Nakaorder na kayo pareho at iniintay nalang ang order niyo.
"eh bakit sumama ka?" tanong nito habang nagcecellphone.
"wala si Cj eh" sabi mo at di na nakarinig ng salita mula sa kanya.
"hala, sinayang mo" nanghihinayang na sabi mo sa nalaglag na isang bucket ng chicken.
"di naman ako sumayang? Ikaw ang nagsayang" kunot noo mo itong tiningnan.
"ikaw ang umabot, butas ata kamay mo eh. Nakakapanghinayang" sabi mo kaya wala kayong choice kundi umorder ulit.
"nakakapanghinayang nga pero bakit di ka nanghinayang satin?" tiningnan mo ito dahil medyo narinig mo ito pero hindi mo na ito pinansin dahil gutom ka na.
"sayang no?" sabi mo habang nanonood na linisin ng crew yung nalaglag na isang bucket ng chicken. Di ka makaget over dahil sayang naman talaga sa pera at isa pa paborito mo ito kaya talagang nanghihinayang ka.
"oo, sayang tayo"