"stop it!" inis na sabi mo dito but you laughed again when he started tickling you again.
"i wont stop till you promise me na manonood ka bukas ng game ko" he said as he continue to tickled you.
"i.. still. don't know" you said between laughs.
"hoy, hustisya naman sa mga single" napatigil kayo ng magsalita si ira.
Kakatapos lang ng training nila at nagpapahinga lang si brent bago mag ayos ng gamit, pero mukang nakuha pa nitong mambwisit sayo kaya nasa sahig na kayo at nagkikilitian.
"edi hustisya din samin?" tanong ni brent atsaka tumayo na, tinulangan ka naman nitong tumayo.
"wag nga kami, halata namang may something sa inyo" sabi ni renzo habang zinizipper yung duffel bag nito.
"bulol, something something kayo jan. Palibhasa wala kayong kaibigan na babae" depensa ni brent.
Magkaibigan naman talaga kayo ni brent at hanggang doon lang yon.
"kaibigan mo din kami diba?" tanong ni ira kaya tumango ka, napalapit ka na rin sa mga teammates ni brent kaya kaibigan na din sila sayo.
"eto talagang brent na to ang damot" sabi ni cj atsaka natawa.
"tigilan niyo na nga yan, magkaibigan lang kami ano ba? Wala ng hihigit pa don" sabi mo atsaka naglakad na.
"aray, friendzone" rinig mong sabi ng mga teammates ni brent bago ka makalabas.
Hinintay mong mag ayos si brent, nasa loob ka na ng kotse kaya ng pumasok ito sa driver's seat ay seryoso ka nitong tiningnan atsaka nagsalita.
"are we really just friends?"
〰️〰️〰️〰️
Will end this soon.