Deanna's
Isang masiglang ate Bea ang pumasok sa GYM ng school. Umaga na syang umuwi ng dorm kahapon kaya naman sobra syang nasabon ni ate Madz. Pero parang hindi naman ito apektado sa sermon ng iisang Madzilla. Dahil hindi talaga mawala ang ngiti nya sa labi na lalo lang nagpainis sa captain namin.
"Ate Madz, wala ka bang napapansin kay ate Bei? Parang ang weird ng pagkakangiti nya." Tanong ko. Tinutulungan ko si ate Madz mag ayos ng net.
Matamlay lang ako nitong tinignan at binalik ang atensyon sa ginagawa nya. Ni wala atang balak sagutin ang tanong ko.
Tinuon ko nalang din ang atensyon ko sa pagkakabit ng net sa git ng court ng basketball.
Nang matapos namin mailagay ni ate Mads ang net, nilapitan ko si ate Bei.
"Dapat na ba kaming mag-alala sayo?" Saad ko sabay upo sa tabi nya.
"Hahaha, masaya lang ako Deanna."
"Bakit may jowa ka na?" Takang tanong ko
"Siguro. Malapit na. Ngayon pang nakuha ko na sya, siguro naman may pag asa na ako sakanya."
Napangiti nalang ako. Ang tinik talaga nito, nakikipagsabayan sa lalaki pagdating sa babae.
"Hindi ko alam na may iba ka pa palang gusto bukod kay ate Madz?"
"Wala naman akong pag-asa sa madhid mong ate kaya heto naghahanap nalang ng iba." Sabi ni ate Bei sabay akbay sakin.
"Good for you ate," nginitian ko sya.
"Thanks, Deans. Sure naman akong pasasalamatan mo ako kapag naagaw ko na ang atensyon nya." agad naman kumunot ang noo ko. Anong ibig sabihin nun. Tatanungin ko na sana sya kaso ngumiti lang ito tapos tumayo at iniwan ako.
Pinagmasdan ko nalang syang lumakad papunta kay ate Madz.
At least mukhang makakamove on nadin si ate Bea at masaya talaga ako para sakanya.
Sa kalagitnaan ng training napakamot ako sa kilay ko sa pagbabangayan nila ate Bei at Madz. Halos hindi kami matapos sa pagsisigawan nila. Buti nalang talaga wala sila coach.
Ano ba kasing problema ng mga kapreng 'to?Speaking of problema, mukhang meron din ang bestfriend kong si Pongs. Kanina pa ito tahimik, hindi ako sanay kasi sobrang daldal nyan.
Nilapitan ko sya, na tinapik ang balikat nito.
"Ayos ka lang?" Matamlay syang ngumiti sakin. Hinila ko ito papuntang bench para kunin ang mga gamit namin. Mukhang hindi naman na kami makakapagtraining ng maayos dahil sa pag aaway ng dalawang kapre. Bahala sila.
Hila ko ang kamay ni Pongs hanggang makalabas kami sa GYM. Agad din nyang binitawan ang pagkakahawak ko sakanya nung masalubong namin si Kobe at Ricci. Derederetso si Pongs ni hindi tinapunan ng tingin si Kobe.
"LQ sila?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman si Cci, lumapit ito sakin. Inakbayan nya ko.
"Tapos na training nyo?" Tanong nya. "Tara, kain na tayo."
"Nag aaway pa 'yong dalawang kapre kaya hindi ko alam kung may training pa kami."
"Yun ang totoong LQ," sabay pa kaming natawa. "Nga pala Deans, model pala ng sexy magazine 'yong babaeng nangungulit sayo? Akalain mo 'yun? Yung ganun kasexy at kaganda, tomboy?"
Napangiti at napa-iling ako. "Ano ba tingin mo sa tomboy? Yung kasing guapo mo dapat?" Sabay taas ng kilay ko.
"Hindi no? Mas guapo ako sakanila." Ngumisi ito, "at higit sa lahat may titi ako, hahaha."
BINABASA MO ANG
Lipstick
Fanfiction"Mali ka man sa mata ng lahat ngunit tama ka naman sa pagtingin ng puso ko" Tumungo muna sa Realismo, bago basahin dito 😅 thanks! SPG Content po ito at medyo brutal yong mga word na gagamitin ko Kaya bawal sa bata hahaha