Deanna's
"I love you Kaye" humigpit ang pagkakayakap nito sakin
Sinilip ko sya pero nakapikit parin naman ang mga mata nito
Mukhang nananaginip sya at yong ex nya ang nasa panaginip nito
Huminga ako ng malalim bago maingat na tumayo sa pagkakahiga sa kama
Naghanap ako ng damit sa bag ko at tumungo ng banyo para maligo
Paglabas ko ng kwarto ni Jema eksaktong may nagdoor bell
Mabilis naman akong tumungo roon at binuksan ito
Ngumiti ako sa babaeng tumambad sakin pagbukas ko nun
"Tuloy ka tulog pa sya" sabi ko at binuksan ng maluwag ang pinto
Nilibot nya ang paningin nito sa buong unit ni Jema
"Wait lang ah?" Gisingin ko lang sya
Bumalik naman ako sa kwarto kung saan mahimbing parin natutulog ang baby ko este si Jema pala
Tinitigan ko sya, nagdadalawang isip kung gigisingin ko ba
Natatakot ako sa pakiramdam na iba na naman ang itatawag nito sakin katulad kanina
Huminga ako ng malalim at tinapik ang pisngi nito "Jema!!"
"Hmmmmmm" napangiti ako tumutulo pa laway nya hahaha
"Gising na dyan may naghahanap sayo" hinawakan nito ang kamay ko
"Tulog pa tayo baby" hinihila nya ako pero nilalabanan ko
"May naghahanap nga sayo! Tumayo ka na dyan at magbihis, baka lumabas ka dun ganyan ang itsura mo"
Hubo't hubad kasi ito, di ko alam kung napupulmunya ba ito kasi naka-air con tapos ganyan sya matulog
Well nasanay narin ako sa bold na presensya nya
"Sino ba yon? Ang aga-aga eh" reklamo nya habang kinukusot ang mata
"Tumayo ka na dyan, maligo ka muna, ako na bahala dun sa bisita mo" tapos hinila ko sya patayo
"Ang bango mo baby, kiss ko?" Nginuso pa nya yong labi nya sakin
Hinila ko naman yon "maghilamos ka muna, may lamay ka pa hahaha"
Sinimaan nya ko ng tingin sabay tulak sakin "cheeeee wag kang lalapit sakin pagkatapos ko maligo"
"Kaya mo? Hahaha" inismiran nya ko
"Ewan ko sayo, tuwang tuwa ka talaga eh, kasi alam mong gustong gusto kita"
Napailing nalang ako at bumalik sa sala nung pumasok sya sa banyo
"Naliligo lang sya" sabi ko sa babaeng naka-upo sa couch
"Mag-isa lang sya dito?" Napatango ako
"Pwede mo naman na syang samahan dito kapag walang training"
"Jowa ka ba nya?" Napakurap pa ako sa tanong nyang iyon, nangbibigla eh
"Ka.kaibigan, magkaibigan lang kami"
"With benefits?" Ngumisi pa sya
Kumamot ako sa ulo ko "ano! Gusto mo sandwich and coffee? Habang hinihintay mo ang ate mo?"
"Sige medyo gutom narin ako eh, nagmadali kasi akong pumunta dito"
Tumayo sya at sinundan ako sa kusina "thank you pala ah?"
"Maliit na bagay hahaha"
"Sure ka bang hindi ka jowa ng ate ko?" Muntik ko pang mabitawan yong tinapay
BINABASA MO ANG
Lipstick
Fanfiction"Mali ka man sa mata ng lahat ngunit tama ka naman sa pagtingin ng puso ko" Tumungo muna sa Realismo, bago basahin dito 😅 thanks! SPG Content po ito at medyo brutal yong mga word na gagamitin ko Kaya bawal sa bata hahaha