Chapter 2

6.1K 180 44
                                    





Jema's

"Sige, na. Kuyang pogi. Papasukin mo na ako." Pilit ko sa guard ng university nila Deanna.

"Ma'am, pasensya na po. Bawal po talaga outsider dito."

Napaismid ako. Napakahirap namang pakiusapan ng bagong guard na 'to.

Samantala yung dati. Isang kindat ko lang nanginginig pa para papasukin ako.

Bakla siguro 'to? Dedma sa beauty ko, eh.

"Hoy, Jemalyn!" Napangiti ako sa tumawag sakin.

"Bea!!!!!" Pasigaw na bati ko sakanya.

"Hahaha, ano na namang ginagawa mo dito?"

"Gusto ko lang silipin si Cutie Girl." Malandi kong sabi.

"Sino ba 'yang Cutie Girl na 'yan? Sa tagal mo ng pumupunta dito. Hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung sino ba 'yung prospect mo dito sa school namin."

"Hindi ko kasi alam ang pangalan n'ya dati. Pero ngayon alam ko na." May pagmamayabang na saad ko.

"Anong pangalan aber?" Nakataas na kilay na tanong ni Bea.

"Deanna! Deanna Wong" Nakangisi kong tugon.

Nangaki ang mata ni Bea, "si Deans?" Gulat saad n'ya.

"Kilala mo?" Gulat na tanong ko rin

"Oo, naman. Isa baby namin 'yon sa team, eh. Pero ngayon, hindi na sya naglalaro."

"Hala bakit?"

Ngumiti lang sakin ang gagang si Bea.

"Tigilan mo si Deanna, 'yan lang masasabi ko sayo."

Tinaasan ko s'ya ng kilay, "bakit selos ka?" Asar ko dito.

"Hell no!!!!" Luh? Grabe naman makahindi.

"Hindi ako nagseselos no? Saka straight si Deanna, ata?"

Natawa kami parehas ni Bea, "baka closeta rin s'ya katulad mo." Sabi ko.

"Hindi na ako closeta no? Tanggap na ako ng parents ko. Pero si Deanna kung hindi nga s'ya straight, mahihirapan sy'ang mag-out."

"Bakit naman?" Kunot noong tanong ko.

"Kasi Born Again ang religion nila," aray ko po.

Masyadong banal ang mga kasapi ng religion na 'yun.

Pero wala parin tatalo sa INC, hehehe.

"Masyado silang religious, kaya tigilan mo na 'yon si Deanna. Parehas lang kayong mahihirapan."

Kontrabida naman 'tong si Bea, iisipin ko na talagang nagseselos 'to, eh.

Hindi n'ya kasi matikman ang alindog ko kaya ganyan s'ya,  hahaha. Charr lang!

"Ate Bei!" Napatingin kami sa babaeng humahangos papasok ng university. "Tapos na ba ang try out?" Hingal na tanong nito.

"Hindi pa. Mag-start palang. Maglalaro ka na ulit?" Excited na tanong ni Bea.

"Yes, ate Bei." Nakangiting usal ni Deanna.

Napangiti din ako. Ang cute talaga ngumiti ng babaeng 'to. Nakakalaglag ng panty. Tapos isasampay ko sa ulo n'ya, hahaha .

Ang landi talaga ni Jemalyn!!!!

"Tara na. Baka mahuli ka pa." sabi ni Bea kay Deanna. Naglakad sila papasok sa loob ng Univeraity.

LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon