Chapter 6

4.5K 149 32
                                    



Jema's

"Ready ka na?" Napangiti ako pero si Bea, nakasimangot.

"Anong mukha 'yan?" Tanong ko sabay taas ng kilay.

"Kasi naman, Jema. Sabi ko naman sayo tigilan mo na."

"May usapan tayo Bea, bakit ba parang galit ka?" Inis na usal ko.

"Mas okay na tayong dalawa nalang ang maglaro. Tutulungan kitang malimutan ang ex mo at tulungan mo kong makalimutan si Madz."

Ngumiti ako. "May tutulong na sayong makalimutan si Maddie."

"Huh?" Kinindatan ko lang si Bea, nauna akong lumabas ng condo building ko.

"Teka, Jema. Ikaw 'yong gusto ko," habol nito sakin.

"Magkaibigan lang tayo Bei, ano ba? Nakuha mo na ako, hindi pa ba 'yon sapat?"

Bumuntong hininga ito, "sino ba 'yon?" Matamlay na tanong nya.

"basta. Malalaman mo rin mamaya. Tara, na. Baka nag-hihintay na ang bebe ko."

Wala na itong nagawa kundi pagbuksan ako ng pinto ng kotse. Medyo natawa ako habang pinagmamasdan itong umiikot papuntang driver seat. Sabi ko na may gusto sakin tong mokong na to eh.

Deny pa ng deny, hahaha.

Buong biyahe nakasimangot lang si Bea. Napapangiti nalang ako. Halatang labag sa loob nya ang gusto kong mangyari.

"Ayusin mo nga 'yang mukha mo, nakakairita." Kunot noong sabi ko. Saglit syang tumingin sakin.

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?"

"Ano ba kasing problema mo? Nag usap naman nq tayo tungkol dito diba? May deal tayo, Bea." Inis na usal ko.

"Concern lang ako sa nakakabatang kaibigan namin ni Madz."

"Si Deanna ba talaga ang concern mo o 'yang sarili mo?"

"Bakit kasi hindi nalang ako? Bakit kailangan pa ng iba? Bakit kaibigan ko pa?"

Natawa ako ng bahagya, "ganun mo talaga ako kagusto? Tapos deny ka pa ng deny? Akala ko ba si Maddie ang mahal mo?"

"Mahal ko si Madz, pero......." tumingin ito sakin.

"When I saw you, dancing........."

"Naniniwala ka ba sa love at first sight?"

Natawa naman ako, "ang corny mo!"

"Totoo yun, Jema. Oo. Nung una tinatanggi ko dahil alam ko yung tipo mong babae, hindi ka nagseseryoso. Kaya nakakatakot mahulog sayo."

"Alam mo naman pala, eh. Kaya tigilan mo na."

"Pero tigilan mo rin si Dea......."

"Bakit ba? Gusto ko sya! Gusto ko sya at kaibigan lang ang tingin ko sayo. Tapos ang usapan!"

Kitang kita ko ang pagtiim ng bagang nito at paghigpit sa pagkakahawak nya sa manibela.

"Okay! Bahala ka na sa buhay mo
Sure namang hindi magkakagusto si Deanna sayo." Aray sakit nun ah?

Bwisit to. Selos ka lang eh."don't you dare me, Bea." Nakangising kong saad sabay irap sakanya.

Napa-iling nalang ito at hindi na nag-salita hanggang makarating kami sa parking ng mall.

Pagkapark nya ng kotse nauna syang bumaba. Ni hindi na ko pinagbuksan ng pinto. Detederetso itong pumasok ng entrance ng mall, hindi na talaga ako hinintay.

LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon