Jema's
Mabagal akong naglalakad palayo sa maingay na lugar kung saan nagkakasayahan ang lahat dahil kaarawan ni Deanna
Tapos naman na yong event, party party nalang sila kaya naisipan ko narin umalis ng hindi nagpapakita dito
Isusurprise ko pa naman sana sya dahil ang alam nito eh, hindi ako pupunta
Kaya lang naiinis ako sa sarili ko! Hindi ko alam kung nagseselos ba ako?
Dahil sa closeness ni Deanna at Ricci, o naiinis lang talaga ako
Feeling ko kasi dapat ako yon eh! Dapat ako yong kasama nya sa special na araw na to
Pero sino nga ba ako sa buhay ni Deanna? Isang trial lang naman ako sakanya
Inaalam lang naman nito ang pagkatao nya sa pamamagitan ko
At saka bakit ba ako, nagkakaganto? Eh ginagamit ko lang din naman sya diba?
Ginagamit ko lang sya para kalimutan ang ex ko
Nagagamitan lang kami!!! Naglalaro!!!
Walang string attach! Walang dapat emotional na involved
Pero nakakainis eh!!! Nakakainis!!!!
Halos magpapadyak na nga ako dito sa inis!!
"Jema!" Mabagal kong nilingon ang paningin ko sa babaeng tumawag sakin
Hindi ko maintindihan pero biglang kumabog ng mabilis yong puso ko
Parang nag-slowmo ang pagtakbong paglapit nito sakin
Ang ganda talaga nya, nakalight make up ito katerno ng navy blue na gown nya
Pero mas gusto ko talaga sya kapag simple lang pormahan nito
Mas maganda sya kapag walang kolorite sa mukha nya
"Arayyyyy" reklamo ko nung pinitik nito ang noo ko
Nasa harapan ko na pala ito ng di ko namamalayan
Day Dreamming pa kisi Jemalyn!!
"Sabi ko bakit ka aalis na hindi manlang nagpapakita sakin?"
Umismid ako "masaya ka naman na dun sa prince charming mo eh!" Bulong ko
"Ano? Pwede ba lakasan mo yang sinasabi mo?"
"Ang sabi ko ang ganda mo dyan sa suot mo" natawa ako sa pag-iba ng itsura nito
Nagsalubong kasi ang mga kilay nya hahaha ang kyut lang
"Nang-aasar ka pa talaga hindi na nga kumportable yong tao eh" nakangusong saad nito
Jusko wag kang ganyan baka mahalikan kita dito
Tapos makikita ng Mommy mo, mapapalayas ako ng di oras hahaha
"Joke lang hehehe, sige na mauuna na ako bumalik ka na dun baka hinahanap ka na nila"
Pero imbis na sumagot sya niyakap ako nito
Naamoy ko na naman ang pamilyar na pabango nya
"Ate Bei, told me na nandito ka! Thank you Jema, kasi sabi mo hindi ka pupunta pero nandito ka, sobra kong naappreciate yong present mo sa special day ko"
"Surprise" natatawang saad ko
Kumalas sya sa pagkakayakap sakin "dito ka lang wag kang aalis, babalik ako"
"Huh?" Tila nagulahan pa ako sa sinabi nito
Hindi sya sumagot kasi tumakbo na sya pabalik sa lugar kung saan nagaganap ang event
BINABASA MO ANG
Lipstick
Fanfiction"Mali ka man sa mata ng lahat ngunit tama ka naman sa pagtingin ng puso ko" Tumungo muna sa Realismo, bago basahin dito 😅 thanks! SPG Content po ito at medyo brutal yong mga word na gagamitin ko Kaya bawal sa bata hahaha