Chapter 22

5.7K 173 78
                                    


Deanna's

Si Kaye Cal pala yong ex ni Jema, kaya naman pala tumakbo at umiiyak ito nung opening nung UAAP habang nagpeperform ang Ezra band

Kaya siguro naiyak din sya nung kinakanta ko yong isa sa hit song ng bandang yon

Baka nga kay Kaye yong gitarang ginamit ko dun sa condo ni Jema

Ano kayang dahilan bakit iniwan sya ni Kaye?

Napakamot at napangiti ako nung maalala kong hindi namin napag-usapan kagabi yong tungkol sa ex nya dahil mas nauna na naman yong init ng katawan

Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama ko at tumungo ng banyo




"Sachi" bungad sakin ng nanay ko pagkababa ko palang ng hagdan

"Sa school na ako mag-almusal Ma" at bineso ito

"Naka-handa na ang pagkain, sumunod ka sakin at may pag-uusapan tayo"

Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sakanya at umupo sa hapag kainan

"Tignan mo ito, bagay sayo diba?" Tukoy nya sa navy blue gown na nasa magazine

"Ok naman Mom" baliwalang sagot ko

Hindi naman ako excited sa debut ko, feeling ko masyado akong magiging girly dun

Ayoko na nga mag-gown eh kasi hindi naman ako kumportable tulad nung JS namin nung High school

Pero wala akong magagawa dahil yon ang gusto ng nanay ko

"Ano ba yang mukha mo? Hindi ka ba masaya na malapit na ang birthday mo?"

"Masaya pero mas gusto ko magpaparty nalang tapos magsusuot ng batman costume maeenjoy ko pa"

"Kaya ka nasasabihang tomboy eh! Umayos ka nga Deanna"

Tumusok ako ng hotdog at kinain yon bago tumayo "una na ako Mom"

"Si Ricci pala ang escort mo" nanglaki naman ang mata ko

"Ma! Hindi ko na kailangang ng escort!" Inis na usal ko

"Basta si Ricci ang escort mo at wala ka ng magagawa dun" napapikit nalang ako

"Bahala ka na Mom, kahit naman ayaw ko ikaw parin masusunod eh" sabi ko at bumeso ulit dito

"See you sa saturday Ma" huling saad ko bago lumabas ng bahay namin




"Deans" kaway ni ate Bei paglabas ko ng subdivision namin

Agad akong pumasok sa kotse nya "sa condo mo ikaw natulog?" Tanong ko dito

"Yes, with Ysa" sabay kindat nito

Natawa ako "mukhang seryosohan na yan ah?"

"Hindi pa ako sure pero masaya kasama si Ysa, kaya nag-eenjoy lang ako ngayon"

"At least may chance na mahalin mo sya diba? May chance na sumaya kana"

"Sana nga Deans" at ngumiti ito

"Ikaw ba? Hanggang kelan mo dededmahin si Jema?"

"Hindi mo na ba sya gusto?" Baliwala ko sa tanong nito

"Hahaha iwas sa tanong Deanna? Pero ok narin yan at least hind ka masasaktan kapag nagkataon"

Sana nga hindi ako masaktan sa ginagawa namin ni Jema ngayon

Kasi hindi ko rin naman sya kayang ipaglaban kung sakaling lumalim yong nararamdaman ko sakanya

"Paano mo ba malalaman kapag may gusto ka na sa isang tao ate Bei?" Tinanong ko na to kay Dad pero hanggang ngayon naguguluhan parin ako

"Bakit may nagugustuhan ka na ba?" Tumingin ito sakin ng saglit

"Wala, gusto ko lang malaman" palusot ko

"Kapag may weird ka ng nararamdaman dun sa taong yon, kapag masaya ka kapag nakikita syang masaya, nasasaktan ka kapag nakikita mo syang nasasaktan"

Halos parehas lang sila ng sinabi ni Dad, kaya so far wala pa naman akong ganung kakaibang nararamdaman kay Jema

Bukod sa ayoko itong nakikitang umiiyak tulad ng pag-iyak nya kagabi

Napapangiti ako kapag nakikita ko syang tumatawa

Agad kong pinilig ang ulo ko, hindi ko sya gusto! Gusto ko lang yong masarap na pakiramdam sa init ng katawan nito

Tama yon lang iyon!!!!


------

Jema's

Mabilis kong hinagis ang mga gamit ko sa couch

Tapos tumakbo sa loob ng kwarto ko para tawagan si Deanna

Siguro nasa dorm na sya mag-gagabi narin naman na

Ako naman eh kaka-uwi ko lang galing sa photo shot

Buti nalang wala akong schedule ngayong gabi

Dahil namimiss ko na si Deanna kahit kagabi lang eh magkasama kami

Hayssss kakainis feeling ko ako yong matatalo sa deal namin

Parang ako yong lalong nahuhulog sakanya eh, pero di bali na mahaba pa naman yong panahon sisisiguraduhin kong magugustuhan din ako ni Deanna

"Hello" sabi nyang nakangiti pagkasagot nito ng VC ko

"Nasa dorm ka na baby?" Pinatong ko yong cellphone sa mesang katabi ng kama ko

Agad kong hinubad lahat ng saplot ko "hoy anong ginagawa mo?" Takang tanong nito

"Naghuhubad" natatawang saad ko

"Magbihis ka mamaya sumilip si Pongs" utos nito sakin

"Oo na po wait lang" sabi ko at kumuha ng white shirt sa tukador

"Kamusta ang araw mo?" Tanong nya

"Ito pagod" tapos dumapa ako sa kama "miss na kita agad"

"Ako din miss ko na yong dede mo saka pekpek mo hahaha"

Napangiwi ako parang hindi bagay sakanya maging bastos

"Manyak" natawa pa kami pareho pagkasabi ko nun

"Ikaw ah? Na-aadik ka na sa katawan ko, hindi na ako magtataka kung bigla mo nalang akong mahalin"

Ngumisi sya "bakit nasa pagitan ba ng hita mo yong puso mo?" Letse to

"Ienjoy nalang natin to Jema, malay mo hindi talaga ako yong para sayo. Malay mo bumalik sya"

"Katawan ko lang ba talaga ang gusto mo Deanna?"

"Yon lang din naman ang habol mo diba?" Napalunok ako

Pumikit ako bago nagsalita ulit "may tanong ako"

"Ano yon?"

"Hindi ba pwedeng lumandi sa iba?"

"Subukan mo!!!!" Parang nainis sya

Agad naman akong napangiti "at hindi mo na ako makikita pa" sabi nya ulit

"Selos na ba yan?" Nakangising asar ko sakanya

"Asa ka naman dyan, ayoko lang ng may kahati" diba parang ganun narin yon?

"Pero pwede naman kung gusto mo basta wag ka nalang lalapit sakin, pwede narin naman na ako tumikim ng iba diba?" Agad nagsalubong ang mga kilay ko

"Sige subukan mo!!!! Puputulin ko lahat ng daliri mo!!!!" Natawa sya ng malakas

"Yan ang selos" bwisit to

"Sige na baby, baka pumasok na si Pongs eh. Punta nalang ako dyan bukas ng gabi, sasabihin ko narin kay Ate Bei, para may alibi ako sa bahay na sakanya ako matutulog"

Agad naman akong napangiti "sige baby good night, galingan mo sa study at trainings ah?"

"Noted po ma'am" at sumaludo pa sya bago pinatay ang VC

Napangiti ako at niyakap ang unan ko letse kinikilig ako hahaha

Wag kang mag-alala bebe Deans mahuhulog karin sakin taga mo yan sa bato

LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon