Deanna's
"Iza," napalingon ako sa tumawag sakin.
"Dad?" Medyo kinakabahang tawag ko dito.
Lumapit si Dad sakin, umupo sa tabi ko sa lapag ng balcony ng kwarto.
"Bumalik ka na pala sa pag-lalaro?" Tanong n'ya pero sa ilaw ng mga kabahayan nakatingin.
"Sorry po, Dad. Namiss ko lang po ulit mag-laro, eh. Pero promise ko po sayo hindi ko na pababayaan ang pag-aaral ko."
Inakbayan ako ni Daddy. "Hindi ako galit, anak. Basta ang gusto ko lang, makatapos ka ng pag-aaral. Dahil 'yan lang ang tanging maipapamana ko sayo na hinding hindi mananakaw. Siguro nga, nadisappoint lang ako sayo dati pero alam ko namang natuto ka na sa pagkakamali mo."
"Opo, Dad. Alam ko na po ngayon ang mas priority ko."
"Good!" Sabi ni Dad sabay gulo sa buhok ko.
Napatingin ako dito. "Dad, can I ask something?"
Tumango s'ya. "What it is?"
Napakamot ako sa ulo, parang bigla akong nahiya magtanong.
"Ano 'yun, anak?" Ulit nito.
"Dad, paano mo po ba malalaman kung gusto mo na ang isang tao?"
Napangisi si Dad, "bakit may nagugustuhan na ba ang anak ko?"
Agad akong napa iling. "Wala, Dad. I mean........" Huminga ako nang malalim. "Kalimutan mo nalang po yung tanong ko."
"Tungkol ba 'yan kay Ricci?"
"No!!!!!" Medyo napalakas ang boses ko.
Bahagyang natawa si Daddy, "kung makahindi, wagas! Bakit ano bang ayaw mo kay Ricci?"
"Magkaibigan lang kami at hanggang dun lang ang tingin ko sakanya"
"Guapo naman si Ricci, mabait pa. Ano pang hahanapin mo sa lalaking yun? Pero kung wala ka talagang pagtingin sakanya. Hindi naman natin 'yun mapipilit anak."
"Pero Dad, paano mo nga masasabing may pagtingin ka na sa isang tao?"
Napangiti ulit si Daddy, "bigla mo nalang 'yun mararamdaman nang hindi mo inaasahan. Bigla ka nalang makakaramdam ng kakaiba, yung tipong napapasaya ka n'ya nang hindi sinasadya? May mga bagay na weird sa tingin mo pero normal lang pala, ganun? Tingin ko, para sakin dun ko masasabi na gusto ko ang isang babae o tao."
"Pero Dad, posible ba na mainlove ka sa 'di mo kilala, I mean hindi mo naman ganun kakilala?"
"Bakit may pumoporma ba sayo na hindi mo masyadong kilala or may nagugustuhan ka bang hindi mo ganun kakilala?"
"Binabalik mo naman ng tanong yung tanong ko Dad, eh." Reklamo ko.
Natawa si Dad, "posible naman yun anak. Crush ang tawag dun. Nadedevelop yun, kapag lumalim at kung paghihirapan mo. Maaaring mauwi sa pagmamahal."
Tumingin sakin si Daddy, pinatong nito ang kamay n'ya sa tuktok ng ulo ko. "So, meron ngang nagpapacute sayo? Pogi ba?" Nakangising tanong ni Dad.
Sasabihin ko ba? Baka kasi pagalitan ako? Pero nandito na 'to kesa namang sa iba pa n'ya malaman. Hindi ko kilala si Jema, pero base sa mga kinikilos n'ya. Hindi ngang malabong makarating sa mga magulang kong may nangungulit saking babae. First time lang may mangulit sakin ng ganto, tapos babae pa? Si Ricci nga hindi ko matagalan kapag nagpaparamdam ng feelings n'ya towards me. Si Jema pa kaya? Ngayon palang naiirita na ko sakanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya kahit nakakahiya, kailangan kong humingi ng payo kay Dad.
"Paano kung maganda Dad?" Tanong ko. Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Daddy. Kinabahan na naman ako.
"Depende kung gusto mo rin yung magandang 'yon." Seryosong sabi ni Dad. "Alam mo na ang tama at mali hija. So hindi ko na ata kailangan sagutin pa 'yan." Tumayo si Dad "Gusto ko s'yang makilala, next week pagbalik ko."Nanglaki naman ang mga mata ko. Tama ba ang rinig ko gusto n'yang makilala si Jema? "Baka maitama pa natin ang baluktot na paniniwala n'ya." Sabi ulit n'ya bago lumabas ng kwarto ko.
Napahinga ako nang malalim. Sa klase ng religion namin. Ang pagkakagusto sa kapwa mo babae o lalaki ay isang malaking kasalanan sa Kanya. Hindi iyon naaayon sa banal na kasulatan. Ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae.
Pero kaibahan lang sa religion namin hindi kami basta nagjujudge at hindi namin basta inuutos na mag-bago ka para sa Kanya. Kailangan bukal sa puso mo ang pag-tanggap at paghingi ng tawad sa Kanya.
Sana hindi muna sabihin ni Daddy kay Mommy 'yong tungkol sa babaeng may gusto sakin.
Baka sabunin lang ako ng pangaral nun at ipamukha sakin na kasalanan iyon at lumayo ako sa kasalanan.
Mas understanding si Dad kaysa kay Mom kaya mas madalas akong nag oopen sakanya kesa kay Mommy.
Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang FB sabay tungo sa profile ni Jema.
"Tuwid natin 'yang maling paniniwala mo ah?" Sabi ko at hinaplos ang litrato nito.
----
Jema's
"Aaaaaahhhhhhchinnnnng!" Puta. Parang pinag-uusapan ata ako ah?
Sino na naman kayang nagnanasa sakin at pinag-uusapan ako ng gantong oras?
Buti nalang wala akong trabaho ngayon at pwedeng magpuyat. Pero nakakainip.
Tapos itong Deanna na 'to hindi manlang magchat back.
Siniseen lang lahat ng chat ko sakanya, masyadong pabebe.
Pag ito napatikim ko ng alindog ko tapos na-adik? Naku gusto ko, hahaha.
Matawagan kaya? Kaso wala pala akong number nya?
Kung VC ko nalang? Baka hindi naman sagutin?
Arrrrrrgggggg, kakainis na talaga yong babae na 'yon. Masyado akong pinapahirapan.
Pero kung akala nya susuko ako? Neknek nya!
Hanggat hindi ko sya nakukuha at natitikman hinding hindi ko sya titigilan.
Dumapa ako sa kama at binuksan ang messenger ko.
Napangiti ako. OL ang bebe love ko, hahaha. Napakakorni ko talaga, kainis!
Pinidot ko ang call botton at tinawagan si Deanna. Video chat.
Pero lagi nya lang kinacancel. Buset! Pahard to get ka Wong?
Ilang try pa ang ginawa ko hanggang makulitan sya at sinagot ito.
Nakakunot na noo nya ang bumungad sakin.
Jusko napakacute naman po ng Bebe Love ko, hehehe.
"Ano na naman kailangan mo?" Sungit talaga.
"Namiss lang kita! Masama ba 'yon?" Nakangusong saad ko.
"Pwede ba Jema? Ano bang gagawin ko para tigilan mo ako? Sobrang kulit mo na, eh."
Nakingisi akong umiling dito. "Hanggat hindi mo ako nagugustuhan hinding ako titigil no?"
"Pwes, magsawa ka sa kakakulit mo. Dahil kahit kelan hinding hindi kita magugustuhan!!!" Aray naman. Wala pa ngang da moves nang babasted na.
"Sinasabi mo lang 'yam, ngayon. Pero kapag minahal mo na ako, kakainin mo lahat 'yang sinasabi mo," ngumisi ako. "Pero pwede din naman ako ang kainin mo, hahaha."
Biglang nalukot ang mukha ni Deanna, hahaha. "Tangina, Jema!!!" Inis na saad nito. "Hindi ka ba nangdidiri sa sinasabi mo?" Luh may nakakadiri ba dun? "Saka isa pa, magbihis ka nga! Bago ka tumawag sakin!"
Ngumisi ako. "Bakit nag iinit ka na ba? Gusto mo magvideo sex tayo?" Tapos pinangnikitan ko sya ng mata.
"Yuck!!! Kadiri, Jema. Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo??? Magbibihis ka o papatayan kita?" Napakademanding naman ng lola nyo.
"Opo. Heto na, Lola. kung hindi ka lang cute at kung hindi lang kita mahal, tsk." sabi ko sabay tayo sa kama. At biglang nawala sa screne si Deanna. Wala kasi akong suot na kahit ano kaya malamang nakita nya ang mani ko pagtayo ko, hahaha.
BINABASA MO ANG
Lipstick
أدب الهواة"Mali ka man sa mata ng lahat ngunit tama ka naman sa pagtingin ng puso ko" Tumungo muna sa Realismo, bago basahin dito 😅 thanks! SPG Content po ito at medyo brutal yong mga word na gagamitin ko Kaya bawal sa bata hahaha