Deanna's
Nililibot ko ang paningin ko sa buong unit ni Jema. Jusko. Babae ba nakatira dito? Napaka kalat kung saan-saan nakasampay ang pinaghubaran nito.
Kahit sa Tv meron din nakasabit. Teka, ano ba yun?
Lumapit ako sa tv, kinuha ang maliit na telang nakasampay dun.
Kunot noo ko yung tinignan.
"Pinagnanasahan mo pa 'yang panty ko." sabi ni Jema. Inagaw nito ang bikini nyang hawak ko.
"Napaka burara mo naman." Inis na sabi ko.
"Wow, ah? Ikaw na makikitulog reklamador ka pa."
"Mukhang hindi ata ako makakatulog sa gantong karuming bahay."
"Oo, na. Maglilinis ako bukas." Sya pa talaga ang masama ang loob ah?
"So, bukas pa ako matutulog?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"Luh? Napakademanding naman talaga ng lola mo." Tapos bigla syang ngumisi, "pwede namang hindi tayo matulog at gumawa nalang ng kababalaghan diba?"
Kinutan ko sya ng noo, pinaloob ko ang labi ko sa bibig ko kasabay ng pagtaas ng kamay ko sa ulo ni Jema.
Agad naman nya itong hinawi. "Oo, na. Titigil na. Dadasalan mo na naman akong hayop ka." Lumayo sakin si Jema, tumungo ito ng kusina. "Ano bang tingin nito sakin? Makasalanang tao? Nakakainis!" Natawa ako. Agad ko ring naitikom ang bibig ko sa pagtingin nito ng masama sakin. "Ano bang gusto mong kainin? Iooffer ko sana sayo ang sarili ko pero baka magdasal ka na naman dyan."
Lalo lang akong natawa. "Hindi ka ba marunong mag-ldasal? Gusto mo turuan kita?"
"Syempre, marunong!! Ano bang tingin mo sakin? Buset ka papatikimin na talaga kita ng makita mo, eh!!!!" Nang-gigil pa po sya. "Hay, naku. Mukhang talo na nga ako. Tama nga ata talaga sila!!!" Bulong nito.
Ano daw? Nababaliw na 'to. Kinakausap ang sarili nya.
Nilibot ko ulit ang paningin ko sa buong bahay ni Jema.
Wala talaga akong ibang makita kundi kalat halos walang laman kundi isang mahabang couch at tv na nakasabit lang sa pader.
Sa kusina naman isang lamesang pang apatan at syempre may lababo at kalan kung saan nagluluto si Jema ngayon. May ref din sya, tapos cabenet, dun siguro nakalagay ang mga gamit nito sa kusina.
"Bakit wala kang picture na nakadisplay?"
"Nasa kwarto," tipid nitong sagot.
Lumakad ako papunta sa nakabukas na kwarto ni Jema, "holy shit." Napasigaw ako.
"Bakit?" Sigaw din ni Jema. Hindi na ako tumuloy sa kwarto at bumalik nalang sa sala.
"Hindi ka ba na pupulmunya? Pati sa picture nakahubo't hubad ka." Letse, pagpasok mo ng kwarto, nakabuyangyang nyang katawan sasalubong sayo. Napakalaki pa ng picture. Daliri lang ang nakatakip sa dalawang pasas nito tapos nakaipit ang hita para hindi makita si Maria. Teka pangalan ko yun.
"Hahaha, ang ganda kaya? Art ang tawag dun." Letseng art 'yan.
Sabagay model pala ng sexy magazine 'tong si Jema kaya siguro sanay na sanay na sya sa mga ganun bagay. Pero sa mga tulad kong hindi sanay..... Hay, naku, naman!
"Bakit mo pinasok ang trabahong ganyan?" Tanong ko kay Jema, lumingon ito sakin. "Hindi ka ba nag-aaral?" tanong ko ulit.
"Accounting student ako. Kaya lang, hindi ko na natapos. Nagfucos kasi ako sa trabaho." Mabagal akong lumapit sa kinatatayuan ni Jema. "Nung una, pinasok ko lang ang trabahong ito para matustusan ang pag-aaral ko. Hanggang nakalimutan ko ng pumasok. Palagi kasi akong puyat, kaya ayon pinagpalit ko ang pag-aaral sa pagtatrabaho. Pero di yun masakit," medyo natawa ako sa huli nitong sinabi. "Alam mo yong masaki? Pwet mo may rocket, hahaha." Biglang nawala ang pagkakangiti ko.
BINABASA MO ANG
Lipstick
Fanfiction"Mali ka man sa mata ng lahat ngunit tama ka naman sa pagtingin ng puso ko" Tumungo muna sa Realismo, bago basahin dito 😅 thanks! SPG Content po ito at medyo brutal yong mga word na gagamitin ko Kaya bawal sa bata hahaha