Deanna’s
“Surprise” sigaw ko pagbukas palang ng pinto ng unit ni Jema
“Anong ginagawa mo dito?” parang gulat na tanong nya
“Namiss na kita eh” nakangusong saad ko
"Ano kasi Deanna” tinignan ko sya ng deretso
“Naka-jacket ka? Ang init-init hindi ako sanay” nakangisi kong saad
Tinignan din nito ang sarili nya, bakit parang ngayon lang din nya narealized na nakajacket sya?
“Hindi mo ba ako papasukin?” huminga sya ng malalim bago Binuksan ng maluwag ang pinto
May problema ba sya? Bakit pakiramdam ko ayaw nya kong nandito
“Oh kaya naman pala” nausal ko sa sarili ko nang makita ko ang babaeng pamilyar na naka-upo sa couch nya
“May bisita ka pala, sorry hindi ko alam, babalik na lang ako!” sabi ko at lumingon sakanya
Hindi naman makatingin ito sakin, nakayuko lang sya
“Ah eh, hindi na, ako nalang mauuna, hinatid ko lang talaga si Jessica”
Tumayo sya at lumapit sa kinatatayuan namin
“Ahm Kaye nga pala” sabay lahad ng palad nito
“I know you, I’m a big fan of yours, actually ng banda mo” at inabot ang kamay nya
“Talaga? Thank you” sabi nyang naka-ngiti ng matamis
Diba dapat masaya ako? Kasi nakita ko na yong isa sa mga idol ko sa larangan ng musika
Pero bakit parang nahihirapan akong huminga?
Feeling ko may babagsak narin sa mga mata ko
“Pasensya na idol gusto ko pa sana magpa-picture sayo kaya lang bigla kong naalala na may gagawin pa pala ako”
“Kararating mo lang?” nginitian ko sya
“Kailangan Jema eh” baka kasi bumuhos na tong sakit na nararamdaman ko
“Sige na, una na talaga ako ah?” tapos lumakad ng mabilis palabas ng unit nito
“Deanna” narinig ko pang tinawag nya ko pero hindi ko na sya nilingon
Mabilis akong nakalabas ng condo ni Jema at sumakay ng taxi
Nagpahatid ako sa condominium ni ate Bei tutal yon naman talaga yong pinag-paalam ko kay Mommy
Actually dun nga nila ako binaba nung naka-alis sila nagtaxi naman ako papuntang condo ni Jema
Excited ako eh! To the point na nag-sinungaling ako kay Mommy na may biglaan practice kami
Tapos ayon........... ang sakit lang....
Ngumiti ako ng mapait
Siguro ngayon nag-kakalinawan na sila! Baka umamin na si Kaye ng dahilan ng pag-alis nya
Baka magkakabalikan na sila kasi valid pala talaga yong dahilan nito
Kung tama yong pagkaka-intindi ko sa sinabi ng Mama ni Jema
Na may nagawa silang malaking kasalanan dito
Baka tungkol yon kay Kaye? Baka ang parents talaga ni Jema ang dahilan kung bakit sya nito iniwan
Dahil sa request ng parents nya kaya wala ng nagawa si Kaye kundi iwan nalang sya
Nasabunutan ko ang buhok ko ang dami ko na naman na-iisip na lalo lang nagpapagulo sakin! Pero isa lang ang malinaw ngayon eh
BINABASA MO ANG
Lipstick
Fanfic"Mali ka man sa mata ng lahat ngunit tama ka naman sa pagtingin ng puso ko" Tumungo muna sa Realismo, bago basahin dito 😅 thanks! SPG Content po ito at medyo brutal yong mga word na gagamitin ko Kaya bawal sa bata hahaha