Chapter 33

4.4K 163 42
                                    

Jema's

Nakanguso lang ako habang nakatingin sa salamin

"Anong mukha yan Jemalyn?" Sita sakin ni Ella isa sa co-model ko

Sya din ang kasama ko sa dressing room ngayon

"Wala bad mood lang" sabay kusot sa hawak kong towel

"Ay ngayon mo pa talaga, napiling ma-bad mood kung kelan shot ng pinaka sikat na magazine"

Letse may araw at oras ba ang pagkabad mood?

Hindi ko nalang sya pinansin at tinignan ko nalang ang phone ko

Pero wala parin itong text, pero kaninang umaga nag-text pa sya

Sabi nya may pupuntahan daw yong ibang member ng church nila para sa isang seminar

Kasama daw sya dun dahil isa sa pastora ng Church nila ang Mommy nito

At sya naman ay youth leader kaya required talaga na sumama sya

Nakakainis lang na kanina lang sya nagsabi, ang tagal ko pa naman nag-hintay sakanya kagabi

Ilang araw na kaming hindi nagkita tapos bigla hindi sya pumunta

Miss na miss ko na kaya sya! Haysssss

"May guesting ka sa isang tv show after nitong pictorial" sabi ni Joric

Tumango lang ako at pinag-ekis ang mga braso ko habang hinihintay tawagin ng photographer

Ewan ko ba parang wala akong gana ngayong araw

Parang gusto ko nalang humilata sa kama ko at matulog maghapon

Baka sakaling paggising ko mawala na ang pagkabad trip ko dahil hindi ko lang nakasama at nakita si Deanna

Tinapik ako ni Joric dahil lutang talaga ako

Nginuso nya ang photographer na tinatawag na pala ako

Hinubad ko ang robang bumabalot sa katawan ko at napanga-nga pa sila

Tsk naseseksihan na naman sila sakin sa suot kong manipis na red bikini

Wala eh inborn na yan kaya maglaway sila charrr hahaha

Nakanguso akong tumungo sa gawing harap ng photographer

Pero nung nag-start na ang pictorial kailangan ngumiti ng natural

Kahit pa imbyerna talaga ako, wala akong choice kundi ipakita na masaya ako sa ginagawa ko

Aftet ng pictorial dumeretso kami sa tv station, usually kapag guest naman ang mga model

Wala naman kaming ginagawa kundi ngumiti lang sa camera

Yong mga artistang model lang naman ang tinatanong na pabor naman sakin

Ayoko din kasi nag-sasalita lalo na kapag gantong bad mood ako

Nagready na kami para sa isang 5 minutes appearance

Isang crop top ang pinasuot sa amin at maikling short

Bago mag-start ang show chineck ko muna ang phone ko

At biglang lumawag ang pagkakangiti ko dahil sa wakas nagparamdam na sya

From: Baby D

Hi baby, nandito na kami, sorry kung hindi ako makapag-update, daming ginagawa eh. Kamusta naman ang araw mo? Busy ka ba? Kumain ka mabuti ah? Wag magpapakapagod. I miss you na 😔

To: Baby D

Ok lang po baby, gawin mo lang mga dapat mong gawin dyan, kumain ka rin ng mabuti ah? Magagalit ako! I miss you din po 😘

LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon