Chapter 10

5.2K 164 29
                                    




Deanna's

"Hi, baby!" Kunot noo ko syang tinignan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang papunta sa VIP seat kung saan ito nakaupo.

"Manonood ng opening game nyo? Bakit ba ang sungit mo na naman? Akala ko ba friends na tayo?"

"Baby na naman kasi bungad mo eh! Baka may makarinig sayo, iba pa isipin nila. Saka nandito din sila Mommy kaya tigilan mo pangungulit sakin ah?"

"Aye aye Captain!" Nakangiting sabi nya sabay sumaludo pa. Napangiti nalang ako."Ang cute mo talaga kapag ngumingiti ka." Pinisil ni Jema ang pisngi ko. "Hindi pa ba mag-start? Excited na akong makita kang maglaro." Biglang tanong nito.

"Sino naman ba kasi nagsabi sayo na Games to? Opening lang to, ipapakilala lang ang bawat school."

"Ay ganun ba? Hahaha, sorry naman. Hindi naman kasi ako into sports, eh."

"Kasi into hubad ka, hahaha." Sinamaan nya ko ng tingin.

"Art kasi ang tawag dun." Sabay irap sakin.

"Oo, na. Arts na kung arts." Tapos sabay kaming nangiti "Sino pala kasama mo?" Tanong ko.

"Si Ysa, alam mo na support for Bei." Napatango ako.

"Daya nga ni ate eh. Hindi manlang nagkwento tungkol sa date nila." Bigla naman akong nailang sa pagtitig ni Jema sakin. "Bakit? May dumi ako sa mukha?" Sabi ko habang hinahaplos mukha ko. Umiling si Jema.

"Natutuwa lang ako sa pag-support mo kay Bei, akala ko kasi againts ka sa tulad namin?"

"Sino ba kasi nagsabing againts ako sa tulad nyo? Kaibigan ko si ate Bei, masaya ako kapag masaya sya. Kung ganyan relasyon nagpapasaya sainyo choice nyo 'yon. Wala kaming say dun. Kaibigan ko si ate kaya support lang ako kung saan sya masaya."

"Sana all may kaibigang katulad mo, hahaha."

"Alam ko mas marami ka pang kaibigan na mas supportive sayo. Kaya nga siguro ganyan ka kabulgar. Sure ako, kung gaano kasupportive ang parents ni ate Bei sakanya, ganun din tyak yung sayo."

Sumeryoso bigla ang mukha ni Jema, umiwas ito ng tingin sakin.

May nasabi ba akong mali?

"Ahm, Jema!" Tawag ko rito na nagpabalik sa tingin nya sakin.

"Sorry, pala nung nakaraan gabi. Siguro nga mali lang ang pagkakasabi ko sa gustong iparating ni Daddy. Hindi ka namin gustong baguhin at ituwid sa kung ano pagkakaintindi mo. Hindi namin pinipilit ang mga bagay na alam namin na 'yun ang choice mo dahil dun ka masaya. Kung magbabago ka, hindi para sakin, hindi para sayo, kundi......." Tumingin ako sa taas at tinaas ang hintuturo ko. " para sa Kanya." Binalik ko ang tingin ko kay Jema na ngayon nakatulala na, hahaha.

"Feeling ko nasusunog ako kapag kausap kita." Natawa ako.

"Kaya wag mo na akong kausapin, hahaha." Inirapan nya ko.

"Manigas ka dyan! Nasaan ba ang bible mo? Magbible study na tayo willing ako makausap lang kita."

Parehas pa kaming natawa sa hirit nya, ayaw talaga patalo eh.

"Punta ka sa bahay tapos dun tayo magbible study." Agad namang nawala ang pagkakangiti ni Jema.

"Ah, eh! Pwede bang sa condo ko nalang? Para pagkatapos mo ko turuan ng salita Niya." Sabay turo sa taas. "Ako naman ang magtuturo sayo sa kama," sabay kumindat pa.

Agad akong napangiwi, "ang bastos mo talaga!" Inis na sabi ko.

"Hahaha, sorry na Baby ko. Joke lang. Ito naman napaka seryoso talaga."

Umismid ako. "Sige, na. Balik na ko dun. Baka mag-start na." Paalam ko kay Jema.

"Sige. Balikan mo ko mamaya ah?" Habol pa nyam

Napangiti ako.

Buti naman at nakasuot sya ng jacket ngayon. Baka naibigay ko na naman sakanya 'tong jacket ko kung nagkataon.

Actually jacket ko rin naman ang suot nya, 'yung pinahiraman ko sakanya nung nanonood ito ng try out ko.

Nagstart na ang event, isa-isa ng pinakilala ang walong eskwelahan. Pagkatapos ng intruduction sa lahat ng school. Nagperform naman ang iba't ibang banda at iba pang solo performer.

"So ayon. We down to the last performers, so here they are, palakpakan naman natin ang Ezra Band." Sabi nung host at umexit na. Agad naman nagpasukan ang member ng banda. Isa ito sa favorite band ko, sobrang smooth kasi ng music nila. Tapos yung vocalist eh babae pero mukhang lalaki at boses lalaki pa.

Biglang umingay ang Arena nung pumasok na ito. In fairness naman talaga kasi sakanya talagang may itsura ito kaya sure mababaliw ang mga katulad ni Jema sakanya. Kahit siguro yung mga straight na fan girl eh kinikilig sa kapogian nito.

"Hindi naman pogi, mas pogi pa ko dyan." Rinig kong bulong ni ate Bei.

Napatingin kami sakanya at natawa sa itsura nito. Para kasing pinagseselosan nya yung babaeng nasa stage ngayon at nagpapakilala.

"Uyy, Bei. Kung nakakamatay ang pagtiti, kanina pa bumulakta yang babaeng nasa stage." Sita ni ate Madz dito.

"Eh, di mabuti, para mawala na sya sa landas ni....... bwisit."

Nagtinginan naman kaming tatlo sa tinuran ni ate Bei.

"Ang kakantahin ko po ay para sa mga taong nagsisisi dahil pinakawalan ang pinaka importanteng tao sa buhay nila na ngayon masaya na piling ng iba."

Humugot ito ng isang malalim na hininga bago tumipa sa gitara.

"Kung maibabalik ko lang ang dati
Hindi na kita bibitiwan pang muli
At ipadarama ko sa iyo na mahal kita araw araw
Araw araw

Ngayon ikaw ay nasa piling niya
At ngayon ako ay nagsisisi na
Ngunit walang magawa
Kundi ang humiling nalang na sana"

O Dyos ko, isang araw lang ang hinihingi ko
Isang araw lang naman
Pagbigyan Mo na ako
Ibigay Mo na sa'kin 'to
Nang maramdaman muli at marinig muli na mahal niya rin ako"

Sa kalagitnaan ng performance ng Erza Band, biglang napatakbo si ate Bei. Nakatinginan pa kami ni ate Madz at Pongs sa pagkagulat. May sinundan itong babae na tumatakbo papuntang dugout. Ewan ko kung curious lang pero napasunod ako sakanila.

Mabilis kong nilibot ang tingin ko sa kabuan ng dug out. Pero madilim kaya hindi ko masyadong makita kung nasaan sila.

Baka naman lumabas na?

Babalik na sana ako nung may marinig akong mahihinang paghigbi. Sunundan ko ang ingay na 'yon at tumambad sakin si ate Bei na kayakap si Jema.

Bakit kaya ito umiiyak?

Ngumiti ako ng tipid kung ano manyon wala akong karapatan manghimasok pa.

Saka nandyan naman na si ate Bei para sakanya.

Tingin ko gusto sya ni ate Bea, ito rin siguro yung sinasabi nyang matutuwa ako kapag nakuha nya ang atensyon nito.

Napangiti ako. Bagay naman sila, hahaha.

At least ngayon, makakawala na ko sa makulit na babaeng ito at magiging lubos na masaya narin si Ate Bea.

Lumakad na ko palayo sakanila.

Hindi ko dapat istorbuhin ang pagmomoment ng mga to, hehehe.

Pero hindi lang pala ako ang nag iisang nanonood sa eksenang 'yun.

Dahil may isang bulto akong napansin sa di kalayuan na nagmamasid din sa mga ito.

LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon