"cole!!!!" malakas na tawag sa akin ni mama
dala-dala pa ang unan kong tumayo para salubungin si mama , "bakit ma?" tarantang tanong ko
nakapamaywang si mama na bumungad sa akin, "ano pang ginagawa mo? diba ngayon ang pag-enroll mo?" aniya ni mama
napakamot nalang ako sa noo nang maalalang ngayon na schedule ng pag-enroll ko sa napili kong University na papasukan ko
"sige ma bihis lang po ako!" paalam ko
"wag na wag tatakbo hay naku! baka madapa ka!" rinig ko pang saway sa akin ni mama
natawa nalang ako kahit bungangera si mama mahal na mahal parin nya ako hahahaha.
pagkatapos magawa ang morning routine agad akong bumaba para mag-agahan
"wow! sarap nyan ah mama!" rinig kong sigaw ni kuya pababa palang ng hagdanan
"pa!" tawag ko kay papa na busy sa pagsusulat
"yes anak?" tanong nya habang sa notebook ang kanyang atensyon
"pa hatid mo 'ko!" pagkyut kong saad kay papa
tumango naman sya, "kain na cole" mama sabay lapag ng plato
"thanks ma!" pasasalamat ko at nagsimulang magsandok ng sinangag
"nga pala ma ung uniform ko?" tanong ni kuya adolf
"nasa aparador mo na anak" sagot ni mama at nagsimula naring mag-agahan
nakalimutan kong magpakilala, hi?! ako nga pala si NICOLE MARTINEZ VALIENTE,18 years old,1st year college, meet my beautiful momzie ADELE MARTINEZ,my popzie REINALDO VALIENTE,tatlo kaming magkakapatid ako ang bunso my big brother ANDREW,and REINALDO jr.
simple at masaya ang pamilya namin, itinataguyod kami ni papa na mag-isa lang dahil haggang ngayon kasi hindi pa namin nakikilala ang mga magulang ni papa ,ang kay mama andon sa probinsya masaya at payapang naninirahan doon saka lang kami doon nakakapasyal pag may event gaya ng araw ng mga patay,birthday at panghuli ang pinakapaborito ko ang FIESTA!!! halos 5 beses akong sumasakay sa mga rides hihih. kahit nasusuka na sila kuya sasakay parin kami ako kaya ang boss sa aming tatlo hahah.
FAST FORWARD
"salamat pa!" ani ko bago bumaba pero hindi pa ako umalis
"gusto mong sunduin pa kita mamaya?" alok ni papa pero umiling ako
"hindi na pa kasabay ko naman sila donna" ani ko
tumango nalang sya bago paandarin ang sasakyan ,nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makalayo na ito napagpasyahan ko naring pumasok ako
"wooo!kaya mo 'to cole!" pagpapalakas ng loob kong aniya bago tuluyang pasukin ang unibersidad na aking pag-eenroll'an
palingon-lingon lang ako sa paligid minsan napapatigil ako para kumaway sa mga estudyanteng nakasimangot