COLE
eto na ang araw ng sportfest nakakaexcite lalo na't kalaban pa namin sila babe
"hindi ko na kayo papayuhan kayo na bahala sa laro basta wag na wag nyong ipapabasa ang mga galaw nyo may second game pa" seryosong discussion sa amin ni coach
"and you cole minsan ka ng nag-aral doon nag-eexpect ako na hindi mo sila bibigyan ng awa, walang kaibigan sa laro sa rematch" baling sa akin ni coach
agad akong tumango, tatangalin ko na sana ang hikaw nang pigilan nila ako
"opsss! wag signature yan sa group natin" pigil sa akin ni coco
medyo nakakairita kasi 'tong hikaw ung design parang bulate na diretso lang ewan ko kung anong tawag don
"confident ka dapat look pati sila first may suot" third at turo kila first na papasakay na ng bus
yon nga meron sila dalawa pero sa amin isa lang para daw may dating na sinang-ayunan ng lahat
sumenyas narin si coach na sumakay ng bus dahil paalis na kami naeexcite tuloy akong makita si seira at maipakilala sya sa mga barkada ko
bumyahe lang kami ng 20 minutos medyo malayo-layo kasi ang pierce sa stanfield
pagkarating na pagkarating nagsibaba na kaming lahat, pinagtitinginan pa kami na parang mga artista
nauuna si first dahil sya ang student council president sya ang mag-guguide sa amin ,nasa likod din ang mga officers sila clark na ngawa ng ngawa akala mo hindi nakakita ng tao
tumigil kami sa soccer field para magliw-aliw muna dahil wala pa namang nag-announce kung sino ang first game kami ata ang pinakahuling dumating
"tara greth bili tayo sa cafeteria" aya ni clark kay greth
"jusko kakain mo lang kanina clark! ano kakain ka na naman? ano ba yang nasa tyan mo? bulate o ahas?" sunod-sunod na tanong ni greth
natawa kami sa bangayan nila, eto kasi si clark parang may bulate sa tyan palaging gutom
"uh.m alis muna ako ah? kita nalang tayo sa gym hahanapin ko lang kasi girlfriend ko" paalam ko
"sige na alis ka na alam naming kating-kati ka ng makita ung girlfriend mo" aj
nagtawanan naman ang mga kasama namin, ngumiti nalang ako at pumunta sa pupuntahan ng paa ko...
SEIRA
"fuck! ang init!" reklamo ni chandrelle
kararating palang namin bumungad na sa amin ang maraming mga estudyanteng pakalat-kalat
"let's go muna sa classroom arrrgh. ang init!" reklamong aya ni chandy
agad kaming sumunod habang naglalakad palingon-lingon ako baka makasalubong ko si babe
"oh.shit andaming yummy!!" tili ni dixie na ikinangiwi namin ni chandrelle