COLE
ipinangako ko sa kanya na aalagaan ko sya kahit hindi nya ako kayang mahalin pabalik
"this one? and this one anong magandang kulay?" tanong nya at pakita sa akin ng dalawang backless dress
"same" tipid kong sagot
"tsk. eh. ano ba talaga? mamaya di ko bagay 'tong kulay red" childish nyang tanong
ngumiti lang ako at hinalikan ang noo nya, "kahit anong suot mo bagay na bagay sayo" malambing kong aniya
niyakap nya ako pabalik, "thank you cole" bulong nya
"salamat din dahil hinayaan mo akong mahalin ka" sagot ko
humiwalay kami sa yakap, "stay here okay?" parang batang utos nya sa akin
ngumiti ako ng malawak at tumango
bali andito kasi ako sa dress section sya naman pumunta sa kung saan
tahimik na naghihintay ako sa kanya gusto ko sana syang sundan pero inutos nya sa akin na maghintay ako
ngunit mahigit ilang minuto na wala paring chandrelle na bumabalik
nakaramdam ako ng takot what if dinukot sya? shit! wag ka munang mag-overthink self!
naghintay pa ako pero wala talagang bumabalik ,kabadong tumayo ako para hanapin sya
linibot ko ang buong department store pero wala akong nakita
"damn chandrelle asan ka na!!" naghehysterical kong bulong
shit! nasaan ka na ba?
nagpatulong narin ako sa mga gwardiyang hanapin sya pero mahigit isang oras na hindi parin namin sya nahahanap
damn! hindi sana kita hinayaang umalis mag-isa
"baka po umuwi na sya ma'am" magalang na tanong ni manong guard
umiling ako wala akong mareceive na text nyang umuwi na sya
"mahahanap din po natin ang kaibigan nyo" pampalubag loob nila manong
pero ako halos lamunin ako ng pag-oover think shit lang! kinakabahan na nahihilo ako
hindi ko namamalayang mag-gagabi na kaya napagpasyahan kong puntahan sya sa condo nya
pagkapark na pagkapark agad kong tinakbo ang elevator at pinindot ang floor 22
TING! (tunog ng elevator)
kinatok ko ng kinatok ang pintuan ng condo nya hanggang sa magbukas ito
bumungad sa akin ang pawisang chandrelle
"saan ka nagpunta?" mahinahon kong tanong
hindi sya sumagot, isasara na nya sana ang pintuan ngunit mabilis kong hinarang ang paa at kamay ko
"bakit hindi ka man lang magtext sa akin? andito ka lang pala nagpapakasarap" inis kong aniya