COLE
ngayong araw ang try-out namin medyo kinakabahan pero nanaig ang excitement andami kasing nanonood, "cole" tawag sa akin
napabuga ako ng hangin, kailan kaya nya ako titigilan?
"ano na naman cassy?" bagot kong tanong
lumapit sya sa akin at tumayo sa mismong harap ko, "i want you back" pakikiusap nya
hindi ko pinansin ang sinabi nya yumuko ako para isintas ang tali ng sapatos ko
"tama na cassy" sagot ko
"ayoko! i'm sorry cole please let me explain" pakiusap nya
nang matapos maitali seryosong tumayo ako at nakipagtitigan sa kanya, "hindi mo na kailangang magpaliwanag kitang-kita ng mga mata ko kung paano nya galawin ang princesa ko alam mo ba na sobra akong nasaktan sa ginawa mo sa pang-gago nyo na kahit hanggang ngayon pinipilit ko syang pakisamahan kasi kaibigan ko sya, putangina lang casey bakit sya pa? bakit sya pa ha? anong tingin nyo sa akin tanga para hindi malaman na may namamagitan sa inyo?!" puno ng paghihinagpis at galit kong bulalas
ang sakit! sobrang sakit!, umiiyak narin sya gusto pa nga nya akong lapitan pero ako na mismo ang umiwas, "tama na cassy" pakiusap ko at iniwanan sya
COURT
"corpuz?,aguilar?,sardon?,montecalvio?,and last valiente?" coach rico
nagtaas kaming lima ng kamay, "okay! it's settled kayo ang team mates if you win then pasok kayo goodluck guys!" paliwanag ni coach bago pumunta sa bleachers
"go!go!go valiente!!" malakas na tili
napakamot nalang ako sa kilay tsk. nakakahiya talaga silang kaibigan
"bebegirl galingan mo magiging proud anak natin kyaahhhhh!!!!" rody
nagtawanan naman ung mga nakarinig, "ang lakas mang-asar ng mga kaibigan mo" aguilar
malapit lang kasi sila rody sa bleacher na inooccupy naming limang magtatry-out, "hahah.kaya nga mukhang di nakainom eh" pagbibiro ko pa
tinapik nya ang balikat, "okay guys hindi pa man tayo magkakakilala gawin nating lahat ang makakaya na makapasok sa team!" corpuz at lahad sa kamay
tumango kami at pinagpatung-patong ang mga kamay at sabay taas
"goodluck valiente!"sardon
tumango ako at pumunta sa gitna dahil ako ang magjujump ball magkasing tangkad lang kami netong kasabayan ko sa try-out na mukhang may binabalak na masama dahil sa pagngisi nya
"goodluck loser" bulong nya
prrrrrrt!!!!.
CHANDRELLE
nabobored na ako sa dinami-dami ng pag-aayahan nya dito pa? dito pa sa gym?
prrrrttt!.
sabay na tumalon si olivia at valiente ,kitang kita namin kung paano nya tinabig ang bola na hindi pa naaabot ni olivia