COLE
halos araw-araw na akong kasama ni chandrelle tuwing uwian, nagtataka na rin sila donna sa akin kung bakit hindi na ako nakakasama sa walwalan
"babe?"
lumingon ako sa nagsalita, "seira?" ani ko
ngumiti sya ng malawak at yinakap ako ng mahigpit na ikinatulala ko
"i miss you" bulong nya
nakarinig na naman ako ng bulungan hanggang ngayon nagpapanggap parin kami ni seira pero napapansin ko lang kahit wala sa paligid si bradley tudo dikit parin sya sa akin
"sya ba cole? sya ba ang kinahuhumalingan mo?"
napahiwalay ako sa yakap at humarap naman sa taong nagsalita, "pakialam mo? alam mo bitch maghanap ka din kasi" sabi ni seira
"tsk. magpapalit ka na nga sa basura pa ng iba? ano yan recycled?" hindi makapaniwalang usal ni cassy
hindi ako makasagot, "eh.ikaw? mukhang tae" balik na asar ni seira
magsasabunutan na sana sila pero may masungit na pumagitna sa kanila, "isa pang bangayan seira and cassy ipapatapon ko talaga kayo" puno ng authority na banta nya
napangiti ako weeeeee! may saviour
"and you? sumunod ka sa akin" baling nya sa akin
tumango naman ako, "what? anong sasama sya sayo? sasama sya sa akin" singit ni ate arianne sabay kuha sa kamay ko
tumingin ako kay chandrelle humihingi ako ng tulong, damn! ayoko sumama kay ate arianne wild yan eh! huhuh. baka mamaya marape ako
"so mas magaling ka pa sa akin? tutor ko sya" kalmadong usal nya
napamaang si ate arianne, "totoo ba ang sinabi nya?" tanong pa nya sa akin kung nagsasabi si chandrelle ng totoo
"opo" magalang kong sagot
unti-unting kinalas nya ang mga kamay nya sa akin, "may oras ka din" bulong nya sa akin
"let's go loser" aya sa akin ni chandrelle agad naman akong sumunod sa kanya
SECRET ROOM
"pupunta kami sa bar mamaya"
hindi pa man nakakaupo yan na agad ang turan nya.
"pwedeng pass muna? may kailangan pa kasi akong gawin eh" pagtanggi ko
exam kasi bukas ayoko namang makulelat ako magagalit sila kuya, "anong hindi pwede? sasama ka o sasama ka?" masungit nyang aniya
as if may choice pa ako? ay meron pa pala,
"O" mabilis kong sagot sinamaan nya ako ng tingin na akala mo pinatay na ako, okay? anong mali sa sagot ko? hahahah.
"namimilosopo ka ba?" masungit nyang tanong at dahan-dahang lumapit sa akin
paatras naman ako ng paatras ,okay! binabawi ko nagbibiro lang naman eh!