CHANDRELLE
"sandali nga! dahan-dahan lang!" reklamo nya
tumigil kami sa silid kung saan nakita ko sya noong balisa
"ano 'yon?!" hindi ko mapigilang mainis
wala sa usapan na maghalikan sila duh! hanggang landian lang sila
"lah. paano magiging makakatotohanan kung hindi kami magkikiss atsaka gusto naman ni seira" rason nya
sasampulan ko na sana sya ng bigla syang umatras, "sandali! bago mo 'ko tamaan magpapaliwanag muna ako okay?" pigil nya
"then explain" crossed arm kong sabi
"diba ginogoyo kami ni christian? yon lang ang naiisip kong paraan para makatotohanan which is napaniwala nga namin kayo and sa kiss sa amin na 'yon atsaka nagpaalam naman ako eh" paliwanag nya
hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin kung bakit ako nagagalit? or natatakot lang ako na baka maging isa si cole sa sasaktan ni seira o sasaktan ni cole
play girl yang si seira tumino lang yan nong naging boyfriend nya si bradley na nasobrahan sa confident na kahit mukhang paa bilib na bilib sa sarili nakuha pang magloko pasalamat pa sya nabaliw sa kanya si seira
dahan-dahan akong lumapit sa kanya, "please don't fall in love" pakiusap ko
huminga sya ng malalim, "what if mahulog ako?" seryoso nyang tanong
"then pigilan mo wag sya, wag ang kaibigan ko masasaktan ka lang" sabi ko
COLE
"isipin mo nalang na laro ito" dugtong nya
umiling ako, "paano nga kung mahulog ako ULIT? pipigilan ko? hindi ba pwede maging masaya nalang ako?" malungkot kong sabi
paano kung mahulog ako kay seira? hindi kasi malabong mahulog ako mabilis lang ako mahulog sa isang tao lalo na't pinapakita nya sa akin na mahalaga ako
idinikit nya ang kamay nya sa dibdib ko sa bandang puso.
*dug.dug.dug*
"ang puso mo ang magdidikta kung sino ang laman nyan wag na wag mong ipilit ang taong ibigin ka kung wala naman itong nararamdaman sayo" seryoso nyang sabi habang sa kamay nya sa bandang dibdib ko nakatingin
napatitig ako sa kanya, bakit ang lakas ng kabog ng puso ko nang dumampi ang kamay nya
bakit natatameme ako kapag malapit sya sa akin, "kami na ni christian" sabi nya na nagbalik sa akin sa realidad
"kami na, ung bet natin" dugtong pa nya
napakamot ako ng batok, "oo alam ko 'yon" sagot ko
napatango sya, "ihahatid mo 'ko mamaya"sabi nya