COLE
ngayon ang first day of school naeexcite na kinakabahan na medyo natatae hahaha. joke lang hindi ko alam kung ano ang sasalubong sa akin sa pagpasok ko sa PIERCE ACADEMY
nagsign of the cross muna ako bago pumasok ng tuluyan sa academy, bumungad sa akin ang mga nag-gagandahang at naggwapuhang mga estudyante
medyo nacontious ako sa mukha ko huta! ako lang ata ang mukhang paang nakapasok dito
"COMMONER!!" malakas na sigaw
lumingon ako sa likuran mga varsity player base narin sa mga suot nilang varsity jacket na nagtatawanan sabay turo pa sa akin
tsk.mayayaman nga pero mga utak talangka
hindi ko nalang pinansin ang mga pang-iinsulto nila sa akin, habang naglalakad papunta sa magiging classroom ko hindi ako matigil-tigil sa pagnguya ng kinakain kong mansanas
shuta! kinakabahan ako! ,ang mga kaibigan ko dapat kasama ko ngayon eh. pero tumanggi sila sa papa ko na sumakay sa second hand naming kotse takot kasi sila kay papa hahaha. mukhang masungit si papa pero pag nakilala mo sya naku! ang cool nya! baka gusto mo pa syang tumira sa bahay nyo.
bali ako ngayon ang nauna at hinahanap ko kung anong numero ng classroom ko
"uh.m miss. asan po ba dito ung classroom ng mga freshman?" lakas loob kong tanong sa babaeng busy sa mga papel na hawak nya
tinignan lang nya ako pataas-pababa at ngumiti ng malawak, oh.no! alam ko ang mga galawan na 'yan
"pwede kitang samahan baby girl?" maharot nyang presinta at lumingkis sa aking braso
lumingon-lingon ako sa paligid marami na ang nagsisipasukan sa kani-kanilang classroom
arrgh.no choice!, ngumiti ako ng pilit at hinawakan ang kamay nyang nakalingkis sa braso ko at marahang tinanggal ayokong maging bastos kasi kahit papaano nakatulong ito sa akin
"sure! hehehh" sagot ko
ngumiti ulit sya at lumingkis ulit sa braso ko, "let's go baby girl" bulong nya at iginaya ako sa kaliwang pasilyo
wala na akong nagawa kundi maging sunod-sunuran, hanggang sa tumigil kami sa isang classroom na halos mapuno na
"thank you!" pasasalamat ko
inipit nya sa kanyang tenga ang mga hibla ng buhok, tsk. nagpapacute!
"welcome baby girl see you around,by the way i'm arianne" maharot nyang aniya bago tuluyang umalis
nakahinga ako ng malalim ng umalis na sya, papasok na sana ako sa classroom nang bumungad sa akin ang tahimik at nakangangang mga magiging classmate ko
"what?" kunot-noong tanong ko
nagsiiwasan lang sila ng tingin, napailing ako sa inasta nila para silang nakakita ng superstar
dahil first day of school orientation lang ang ginawa namin, "hey!" tawag sa akin
itinaas ko ang ulo ko para tignan kung sino ang tumawag sa akin, "yes?" magalang kong sagot
"kilala mo ba kasama mo kanina?" tanong nya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko
"yeah. kilala ko sya si arianne why?" kunot-noong sagot at pagtataka kong sabi
"mag-ingat ka don! boyfriend nya ung basketball captain ng pierce academy former bully kayang-kaya ka nyang saktan kahit nasa loob ka ng class" aniya nya
kakamot-kamot sa noong tumango ako, "ah okay" tipid kong sagot
"hindi ka takot?!" hindi makapaniwalang tanong nya
i shrugged, "hindi naman nakakatakot" casual kong sagot
"unbelievable!" hindi makapaniwalang sabi nya sabay sandig sa upuan at hilamos ng mukha
"bakit ako matatakot kung kampi sa akin ang hustisya" ani ko
bigla syang napalingon at hinawakan ang balikat ko, "remember justice is for elite" seryoso nyang sagot
napailing ako sa sagot nya, "wag nyong gamitin ang kapangyarihan nyo when it comes to law mananalo nga kayo pero sa taas? hindi kayo makakalusot" pissed off kong sagot bago iwanan syang tulala
totoo naman eh. pangaral sa akin ni papa matalo ka man sa baba panalo ka sa taas ,kaya hindi ako pumapatol sa mga magagaspang ang ugali pero pag sobra na lalaban na talaga ako
pag tapat ko palang sa pasilyo ng locker room humarang sa akin ang mga cheerleader squad
"we meet again" nakangising aniya ng nasa gitna
i smiled, "you again beautiful? hi!" masayang bati ko at inilahad ang aking kamay
nagkatinginan ang mga kasama nya, naghintay lang akong abutin niya ang kamay ko pero.....
"ahhh.shit!shit!shit! ang init!" tili ko
shutang gala! ang init! ,tumawa lang sya at ang mga nakakita pati narin ang mga kasama nya
bigla akong nahiya sa kanyang ginawa, "bakit mo 'ko binuhusan ng kape?!" nanginginig ang kamay kong tanong shemay ang sakit eh!
she smirked at humakbang sya palapit sa akin hanggang sa tumapat ang kanyang labi sa aking tenga, "you deserve it" bulong nya bago lumayo sa akin
hindi ko mapigilang mapalabi tangina! ang init ng kapeng binuhos nya sa katawan ko at kamay ko
"kung ako sayo umalis ka na dito hindi ka nababagay sa ganitong karangyang eskwelahan nakikita mo ba yang suot mo? magkano ba yan? mukha kasing basahan" kasama nyang nakasuot pa ng cheerleader uniform
huminga ako ng malalim at kinuha sa bulsa ng bag ko ang natitirang mansanas para kahit papaano kumalma ako kahit konti
"yon na ba yon?" malumanay kong tanong na nagpawala sa kanilang mga matatamis nilang ngiti
kumagat lang ako ng kumagat sa mansanas para maibsan ang hapding nararamdaman ko
"your brave huh?" tanong sa akin ng kasama ni crush
tumigil ako sa pagkagat para ubusin muna ang nasa bibig ko, "slight lang" tipid kong sagot
umusbong ang galit sa kanyang mga mata, i smirked
ako naman ang humakbang palapit sa kanya, "hindi mo 'ko mapapaalis dito" matapang kong sabi bago sya iwanan na nangangailiti na sa sobrang galit
tsk.makabihis na nga panira ng araw...