[12]

2.4K 83 3
                                    

NICOLE

ilang araw ng ibully ako ng boyfriend ni ate arianne ,sa tuwing lalapitan nya ako. ako na mismo ang dumidistanya baka mamaya may magsumbong na naman at baka hindi na bugbog aabutin ko


kinatatakutan sila dito lalo na ung demonyitang gumamot sa akin pero galit parin ako sa kanya isang linggo ko kayang itinago kila mama ang nangyari sa akin

"okay na ba yang ulo mo?" tanong ni donna




tumango ako simula ng nabully ako palagi na nila akong hinihintay sa labas ng classroom minsan ako naman ang naghihintay sa kanila,nakiusap pa nga ako sa kanila na wag na wag nilang sasabihin kila papa

"okay na" mabilis kong sagot

"sino gumamot sayo?" tanong naman ni kat

umiwas ako ng tingin, "si..si.. ahm.. ung nurse! oo ung nurse gumamot sa akin" tarantang sagot ko

ayoko munang sabihin sa kanila na si demonyita ang gumamot sa akin, ni ayaw nga nilang lumapit ako sa taong 'yon

"wag na wag mo ng kakalabanin si chandrelle o lalapitan cole alam naming friendly ka pero sa kanya? wag nalang usap-usapan dito na ang sama-sama ng ugali non pati kaibigan nya ang mamaldita din tsk." maarteng turan ni rody

tumango-tango nalang ako, "oo alam ko" sagot ko nalang

"btw pumayag ba ang papa mo na magworking student ka?" donna

umiling ako, "ayaw nya, pero sasama parin ako sa inyo" sagot ko

ayaw kasi ni papa na kung saan-saan ako nagpupunta baka may makakilala sa akin ,ewan ko kay papa bakit takot syang umaalis ako ng bahay.





"hindi kami sigurado na papayag ako kahit amin yon duh! kailangan ng parent consent bebe girl" rody

i sighed, "sige na rody kailangan ko talaga ng trabaho hindi ako kagaya nyo na may kaya please gusto ko lang tumulong sa papa ko" pakiusap ko

nagkatinginan silang tatlo at napabuntong hininga, "fine!fine! payag na kami but!... once na nakaisang linggo ka na paalam ka kay tito okay?" rody

napangiti ako at dinamba sila ng yakap, "thanks guys!" bulong ko

"aaayyy.mama mia!!!! ang bigat mo!!" maarteng tili ni rody

"waaaah! di ako makahinga may kapreng nakayakap!!" tili rin ni kat.


napapatingin narin sa amin ang mga dumadaan mga siraulo kasi sumisigaw pa sila hahaha.

humiwalay ako sa yakap, "nga pala guys try-out ko sa friday nood kayo ha?" ani ko

"sasali ka?" may himig ng excitement na sabay-sabay nilang bulalas

ngumiti ako at tumango, "waaaah!! papasok na naman sa court si number 15!" tili ni rody

alam kasi nila player din ako dati sa highschool ayaw pa nga akong pakawalan ng coach namin sa highschool hahah. pano ba naman palaging champion ang campus namin

I love you Chandrelle Pierce (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon