[3]

3.5K 111 4
                                    

COLE

"santo de la papaya!!! punyeta ka alyana!!" tili sa labas

napahampas nalang ako sa noo, tanghaling tapat bunganga na ni bakla ang naririnig ko

"hoyy NICOLE VALIENTE lumabas ka jan!!" sigaw pa nya

pupungas-pungas na lumabas si kuya nald puyat na naman sya siguro hahaha. sa kakareply sa mga babae nya

hindi naman kasi maitatanggi sa aming pamilya na magaganda ang lahi namin, nasabi ko na ba sainyo na sa pinapasukan na  academy ni kuya nald ay isa sya sa mga sikat? kung di nyo pa alam ta-da alam nyo na!

"tsk.yang kaibigan mong bakla ang ingay-ingay na naman" sabi nya

tumawa lang ako, "ano ka ba kuya hindi ka pa ba nasanay? bungangera talaga yang si rodrigo" natatawang sabi ko

"kung di mo lang yan kaibigan matagal ko na yang sinampulan" iiling-iling na aniya nya

"lumabas ka jan nicole walang hiya ka binuntis mo ko panagutan mo ko!!" sigaw nya ulit

nagmadali kong inayos ang buhok ko bago lumabas, "walang hiya kang bakla!", balik kong sigaw sabay middle finger

nagmiddle finger din sya pabalik tumawa sila donna,bago tuluyang umalis tumakbo ako sa mini-garden namin para pumitas ng dalawang mansanas

"tara na" aya ko

"nga pala cole kamusta ung galos?" tanong ni kat

tinignan ko naman ang braso ko, "okay na" sagot ko habang lumalamon ng mansanas

"sa ilang taon nating magkakaibigan hobby mo na talagang kumain ng mansanas noh?" curious na tanong ni kat

tumango ako, "itong si kat parating nagtatanong hindi ka pa ba nasanay?" singit ni donna

sa totoo lang ako rin eh. napapaisip ako bakit napakaobsess ko sa mansanas? na kahit saan ako magpunta kailangan may dala ako ,kahit hindi ako inaatake ng anxiety palagi mo 'kong makikitang may hawak na mansanas

kwento sa akin ni mama pinaglihi nya ako doon pero hindi nya aakalain na aabot ako sa punto na magwawala ako kapag wala akong nakakain non,bata pa man ako nakahiligan ko na talaga kumain ng mansanas kaya nga nagtanim si papa sa mini-garden

"infagrow bitch!" rodrigo

"heh! tumigil ka jan ulikba!" balik nyang asar

nakarating kami sa tambayan na puro bunganga nila ni rodrigo at kat ang naririnig

welcome sa aming tree house!

"hoy mga babaeta anong pagkaing dala nyo?" tanong nila rodrigo kila maria

"dynamite gusto mo cole?" alok nya sa akin

tumaas ang kilay nila kat, "hoy maria uzawa kami ang nagtatanong hindi si cole" ani ni rodrigo

she smiled, "eto oh. sainyo nyo na yan" sagot ni maria at binigay kay rodrigo ang tupperware na may lamang dynamite

"waaaah! thank you maria uzawa" tili ni rodrigo bago umakyat ng tree house







actually hindi lang kami ang may treehouse dito halos lahat ng mga kabataan meron ,isang ektaryang lupain ni kapitan na may mga puno ng mangga pinagawan nya ng mga treehouse para sa aming mga kabataan para daw wala ng maglalabas-labas at wala ng tambay sa mga kanto sa gabi,oh.diba? ang bait ng kapitan namin hahah. pwede ka rin matulog kung gusto mo safe naman kasi dito sa village namin hindi pangmayaman ha? ung simpleng village mga mamamayan


"pasabi sa papa mo maria uzawa palagyan narin ng aircon ung mga tree house natin" ani ni rodrigo

anakngtinapa! wala talagang hiya sa katawan 'tong bakla na 'to tsk.

"hoy bakla nasan ang hiya sa katawan mo? naku! mahiya ka kay maria!" saway ni kat

nakakahiya talaga hayst. "bakit? masama bang magrequest?" depensa nya sa sarili nya

aba't sumasagot pa?! huminga ako ng malalim at malakas syang inupakan

poook!. "array! cole naman! magiging bobo ako neto eh." reklamo nya habang hawak-hawak ang ulong inupakan ko

"sino nagsabing matalino ka? kahit kailan walang laman yang bungo mo!" asar ni donna

napapailing nalang ako sa kaingayan nilang lahat, "sige maria akyat na ako" paalam ko bago umakyat sa treehouse bahala sila sa baba magbangayan









"sa lunes sabay-sabay tayong pumasok ha?" kat

tumango kaming dalawa ni donna , "ikaw cole nasa ikatlong pagsubok na tayo kaya wala ng childish ha? ikaw pa naman pinakaisip bata sa ating 4" pangaral ni donna

napasimangot ako, hindi naman masamang maglaro diba? part kaya 'yon ng childhood tsk. atsaka sinusulit ko lang pagkabata ko noh!. kasi habang lumalaki ka na unti-unti mo ng makakalimutan ang lahat ng mga 'yon


"tama si donna cole iba ang buhay kolehiyo kaya umayos ka bigatin ang makakalaban mo pagnagkataong nakipag-away ka naku! sira yang maganda mong feslak" rodrigo habang kumakain ng dynamite

napakamot nalang ako ng kilay sa mga pangaral nila, "oo alam ko na ang mga iyan" sagot ko

"dapat lang! naalala mo ba 'yong nakaaway mo noong isang araw sa mall?" tanong ni kat

tumango ako, "hey nakew riot sa lunes" maarteng sagot ulit ni rodrigo

tumawa lang ako, "don't worry guys kayang-kaya ko na ang sarili ko" sagot ko at inakbayan silang tatlo

easy lang 'yon! wag lang sana akong bigwasan hindi pa naman ako nanakit...

I love you Chandrelle Pierce (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon