COLE
bagsak ang balikat kong umuwi ng bahay, "kamusta ang game?" bungad na tanong ni kuya drew
"panalo kuya!!" pinasaya ko ang boses
"sabi na nga ba eh. mananalo ang team nyo" tuwang-tuwa si kuya drew sa balita
buong hapunan pinilit kong maging masigla kahit hirap-hirap na akong kimkimin
"sige ma,pa akyat na po ako" paalam ko bago tuluyang umakyat papasok sa kwarto ko
para akong inagawan ng lakas buong araw wala ang lakas ko
naglaro-laro lang ako ng naglaro habang hinihintay ang antok
nasa kalagitnaan ako ng laro biglang nagring ang bago kong cellphone
nag-aalinlangan pa akong sagutin ,ang kanina ko lang iinisip heto sya tinatawagan ako
hinintay kong mamatay hanggang sa nag-ring nang mamatay nagtext naman sya
FROM: My World💛
wag nyong pansinin ang name nya heheh. mundo ko talaga sya
'please cole fetch me here'
tumunog ulit ang cellphone ko si christian naman ang nagtext
FROM: Fuckboi
agad kong binuksan nanlaki ang aking mga mata sa text nya
'cole ihatid mo na si chandrelle break na kami'
malaflash ang bilis kong magbihis ,sumilip ako sa baba
shutangala! gising pa sila bumalik ako sa kwarto ko nilock ko muna para alam nilang nakatulog na ako
binuksan ko ang bintana at tumalon, nasabi ko na bang second floor ang bahay namin? kaya madali lang sa akin talunin hahah. para sa minamahal
tumakbo ako ng tumakbo hanggang may papadaan na taxi agad ko itong pinara
"manong ****** village po" hinihingal kong aniya
mahigit ilang minuto ang byahe papunta sa village nila christian
"salamat po" magalang kong pasasalamat at binigay ang bayad
dumiretso ako sa gate kung saan may mga gwardyang nakabantay, "manong ako po 'to si nicole valiente kaibigan ni christian sivan" aniya ko agad naman nya akong pinagbuksan ng gate
"salamat po" nakangiting pasasalamat ko at tumakbo ulit
para akong tangang tumatakbo medyo malayo-layo pa naman ang bahay nila.
nang makarating sa basketball court hinagilap ko ang taong dahilan ng pagpunta ko dito
"cole" humihikbing himig
lumingon ako sa likuran ko bumungad sa akin ang umiiyak na chandrelle
hindi ako makagalaw para akong sinapakan ng maraming pandikit sa katawan, dinamba nya ako ng yakap pero ako nanatiling nakatulala
ang sakit makita syang umiiyak.
"cole break na kami" humihikbing turan nya at sumubsob sa dibdib ko naramdaman kong basa na ang damit ko
mahigpit din ang yakap nya na akala mo mawawala ako sa kanya
ang sarap sa feeling na kayakap sya pero hindi sa ganitong sitwasyon na umiiyak sya sa taong wala ng pakialam sa kanya
talagang hindi pa nya hinatid ang prinsesa ko, tangina lang kung ako nalang sana! kung ako nalang sana ang minahal mo chandrelle hindi mo mararanasan ang sakit na nararamdaman mo ngayon
"iniwan ka ba nya dito?" seryoso kong tanong
pero wala akong natanggap na sagot pwersahan ko syang hinawalay sa akin na mahigpit na nakayakap sa akin
"tell me chandrelle iniwan ka ba nya dito?" tanong ko ulit
hindi parin sya sumasagot, "putangina chandrelle isang sagot oo o hindi lang mahirap bang sambitin?" naiinis kong turan
"iniwan ka ba nya dito o hindi?" seryoso kong tanong ulit sa kanya this time sumagot na sya
"yes, he left me here" pag-amin nya
mabilis akong tumalikod para sugudin ang bahay nila christian, "putangina pano kung may mangyari sayo dito sa labas? papatayin ko talaga si christian" galit kong turan
ngunit hindi pa ako nakakahakbang bigla nya akong yinakap patalikod
"please don't hurt him" pakiusap nya
[i scoff] "hiniwalayan ka na nga nakikiusap ka pang hindi ko sya sasaktan? eh. anong ginawa nya sayo?" galit kong sumbat
sobra akong nagtatampo sa kanya dahil hindi sya sumipot sa laro ko pero inintindi ko 'yon kasi alam kong wala akong puwang sa buhay nya para pag-aksayahan nya ng oras
"alam ko! alam kong sinaktan nya ako cole pero ako ang may kasalanan ng lahat" sagot nya
tinanggal ko ang kamay nyang nakapulupot sa bewang ko at humarap sa kanya
"let's go" malumanay kong aya
hindi na ako makikipagdebate sa kanya hindi naman ako mananalo eh. baka ako pa maging masama
inakay ko sya papunta sa kotse nyang nakaparada sa kalayuan dito sa basketball court
"ihahatid na kita sa bahay nyo" malamig kong ani at pinaharurot ang kotse
habang nasa byahe walang nagsasalita sa amin, kahit ako ayokong magsayang ng laway na tanungin sya kung bakit sila naghiwalay
"wag mong ideretso sa bahay" she said
"eh.saan kita ihahatid?" tanong ko habang sa daan ang atensyon ko
"sa condo ko" tipid nyang sagot
oww. may condo na pala sya nice! ngayon ko lang alam
sinabi nya sa akin kung anong address mukhang malapit-lapit lang sa academy
pagkarating mabilis kong itinigil at inabot ang susi ng kotse nya
naguguluhan nyang ipinakita sa akin, "anong sasakyan mo?" tanong nya
ngumiti ako, "maglakad-lakad muna ako" sabi ko
"you sure? you can sleep here" alok pa nya na agad kong ikinailing
"hindi na, gusto kong maglakad-lakad makapag-isip-isip" sabi ko bago tumalikod
pagkalabas na pagkalabas sa parking lot bumungad sa akin ang malamig na hangin
bakit palagi nalang ako nasasaktan?
wala na ba akong karapatang maging masaya
ayoko na eh! ayoko ng ganto ung palaging naaagawan o taga-salo
siguro ito na 'yong time na ako naman ang kumilos kahit alam kong wala akong pag-asa, ipaparamdam ko lang na kung gaano ko sya kamahal kong hindi talaga mag-work
'i set her free makita lang syang masaya okay na ako...'