COLE
"hoy cole!" sigaw ni donna
nakapamulsang humarap ako sa kanila, "bakit?" tamad kong tanong
"anyare sa mukha mo para kang si benjamin button?" pagbubunganga ni rodrigo
i sighed, "please lang wag ngayon rodrigo" nakasimangot kong pakiusap bago sila iwan
"waaaaah!! did you call me rodrigo? hoy nicole porket pikon ka na itatawag mo na sa akin ang pangalan na 'yan? ewww!!!" maarte na halos masuka-suka pa sya sa pangalan'tong baklang 'to ang nakita kong nag-iinarte sa pangalan nya ang ganda naman eh. RODRIGO oh.diba?
"its roooooody cole roooody!!" tili nya sa tenge ko na halos masira ang ear drums ko
hanggang ngayon naiinis parin ako sa taong 'yon hindi ko naman gusto si christian hello? magkaibigan kami tapos tutuhugin ko? no way!
may pa his mine pa sya akala mo sa kanya na nya si christian, "hoy gaga eto naman di mabiro halika dito bigyan kita ng jacket!" sigaw nya na halos ikatirik ng mga mata ko kahit kailan wala talaga siyang pinipiling lugar
tumigil ako pero hindi ko sila nilingon, naramdaman kong inakbayan ako ng dalawa
"anyare kasi?" si kat naman ang nagtanong
huminga ako ng malalim, "ung nakaaway ko sa mall" aniya ko
nagkatinginan silang tatlo, "naku bebe girl si chandrelle? kaw naman kasi bat mo pa sya pinatulan" rodrigo
"eh.kasalanan naman nya kasi" depensa ko sa sarili ko
sabay-sabay nila akong inupakan, Pok!
aaiiish.bad shot na nga dadagdag pa sila, "para san 'yon?!" singhal ko
"akala mo hindi namin alam ang pinaggagawa mo? anaknggalunggong! cole bakit 'yon pa napili mong pagtripan? anak 'yon ng may-ari ng tinatapakan mo ngayon!" galit na aniya ni donna
napakamot nalang ako ng kilay, hindi ko naman alam eh.
"anong gagawin mo? manahimik ka nalang hayaan mo nalang sya sa mga gagawin nya hindi mo na sya mapipigilan demonyita 'yon eh." naisstress na ani ni kat
bumuntong hininga ako, "pasensya sa gulong ginawa ko promise aayusin ko 'to" pangako ko
"yon nga ayusin mo wag na wag mong kakalimutan scholar ka kailangan malinis ang records mo" pangaral ni kat
"jusmiyo! bali-balita pa na may gusto sya kay christian hay naku! baka wala pang ilang buwan magshota na ang mga 'yon" rody
napalabi ako ,hindi naman kasi malabo 'yon sa ngayon goodboy pa si christian pag nagtagal naku! baka kakarating mo pa lang ng academy may labi ng nakasapak sa labi nya
hindi ko pa nasasabi sa inyo na BABAERO po ang kaibigan ko na 'yon ako pa nga taga-hatid sa mga nagiging flavor of the month nya, natahimik ang dalawa sa sinabi ni rody
"oh. natahimik kayo? mga lelang?" tanong ni rody sa dalawang tahimik
napataas ang kilay ko, "anyare?" tanong ko
nagkatinginan silang dalawa at umiling, "wala" sabay nilang sagot
lumapit ako sa kanila at inakbayan silang dalawa, "hahah. wag naman sanang kabilang kayo sa inalisan nya? may tiwala ako sa inyo donna" ani kong pabiro pero sa loob seryoso ako