COLE
makalipas ang isang linggo magaling na ang paa ko at nakakapractice na rin ako.
"kamusta yong date nyo?" tanong ko habang naglalaro
"fine" malumanay nyang sagot na ikinalingon ko sa kanya
"anong fine lang? wala man lang kayo pinag-usapan? may something na ba?" sunod-sunod kong tanong
"awkward" tipid na naman nyang sagot
tumigil ako sa paglalaro at lumapit sa kanya, "alam mo chandrelle magpakanatural ka kasi para magustuhan ka nya,wag yang pagiging bitchy ang ipakita mo matutur-on off yon ang type ng taong 'yon inosente hindi maldita" pangaral ko
sinamaan nya ako ng tingin, "imbes na tulungan mo ako pinapangaralan mo pa ako!" inis nyang sagot
ewan ko sayo! napakamaldita mo kasi
"what if idate mo si dixie?" suhestyon na agad kong ikinalingon
"uh.oh hindi magandang idea yan" iling kong sagot
"com'on wag kang kj! tutal kapansin-pansin na may gusto sya sayo so hindi na mahirap mapasagot ang babaeng 'yon" nakasimangot nyang ani
umiling parin ako, "ayokong gumamit ng tao para makuha lang ang gusto mo" seryoso kong sagot
at nagpatuloy sa paglalaro nasabi ko na bang nagkikita kami? at minsan ako ang pumupunta sa bahay nila para pag-usapan kung paano mapahulog sa kanya si christian
"how about magpanggap kayo?" aniya nya na naman
umiling na naman ako pero biglang namatay ang tv. na ikinalingon ko sa kanya, "what the!! bakit mo pinatay?!"
"your not listening" masungit nyang sabi
tinanggal ko ang headphone,inilapag ang controller at humarap sa kanya
"ayokong manakit ng ibang damdamin chandrelle" seryosong sabi ko
"hindi mo naman sya masasaktan magpapanggap lang kayo sa harap ni christian okay? para pag sa next date namin hindi ako mahihirapang kausapin sya kasi andon ka na tutulungan ako" mahabang litanya nya
napabuga ako ng hangin, eto na nga ba sinabi ko eh. kung alam ko lang na may madadamay noong una palang tumanggi na ako
"don't worry kakausapin ko si dexie sa monday para makapag-usap kayo" she said
tok.tok.tok
"come in!" sigaw nya
biglang pumasok dito sa kwarto nya ang maid nila at inilapag sa harap namin ang meryenda
agad kong kinuha ang pinakapaborito ko, ANG MANSANAS
"paborito mo talaga yan noh?" tanong nya na ikinalingon ko sa kanya
tumango ako, "sobra!" nakangiting sagot ko bago kumagat
damn! ang sarap!! pero napatigil ako ng may marinig kami
CHANDRELLE
ang weird nya talaga, "are you okay?" tanong ko dahil napatigil sya
nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay at hindi maintindihan kung saan sya titingin, nakaramdam ako ng kaba
normal ba yang mga galaw nyang yan?, "hey loser are you okay?" tanong ko ulit pero hindi sya nagsalita kundi sumubsob sya sa aking katawan at yinakap ako ng mahigpit na ikinagitla ko